Napatingin ako ng biglang pumasok si Lucian na nakasimangot at pasalampak na umupo sa harap ng lamesa ko. Huminto ako sandali sa pagbabasa ng mga reports at hinubad ko ang salamin ko. "Ano na naman isusumbong mo?" Tanong ko sa kanya. "Pagsabihan mo yang bampira na kasama ni De ville hindi ko gusto mga ugali nila." Sabi niya na parang bata na nagsusumbong kaya napailing na lang ako. "Marami akong ginagawa Lucian umuwi ka muna sa bahay at magpahinga." Sabi ko sa kanya imbes na patulan ang sinasabi niya. "Wala ka man lang sasabihin?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kaya tiningnan ko siya ng masama. "Lucian pakiusap wag muna ngayon pinipilit ko ang sarili ko na hindi ka patulan dahil gusto kobg mapag-isa." Seryoso ko na turan sa kanya kaya nanahimik na siya pero hindi naman umalis.

