Ilang araw na akong nandito pero wala pa rin na balita ang hinahanap namin na diwata. Bumalik na ang pangalawang pangkat na nahahanap sa matandang diwata kaya parang gusto ko ng kumilos. Napatayo ako at nagisip ng paraan para mapadali ang paghahanap namin sa kanila, lagi ring abala sina Mirna at ang mga magulang niya nagpupunta sila sa mga karatig bayan para mailigtas ang mga ilan pa na mamamayan dito na biktima ng mga Dreyor. Naalala ko ang ginawa ko noong lumabas kami ng Valle Verde ni Lulien kaya napahilamos ako ng mukha ko ngayon lang ito sumagi sa isip ko. At hindi ako mahahalata ng nagbabantay sa pintuan kapag ginamit ko ang kakayahan ko. Hinanda ko na ang sarili ko at pumikit saka may lumabas na liwanag sa buo kong katawan sapat para makapagpalabas ako ng kaunting enerhiya. Nag

