“MALAMIG yata ang treatment mo kay Darlene?” tanong ni Bernadette sa asawa habang marahan niyang minamasahe ang magkabilang sentido nito. Umungol lang ito. “Ganyan ka rin sa kanya noong nagkita-kita tayo sa airport,” patuloy niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at saka nagmulat ng mga mata. “Honey, I don’t want to talk about her,” banayad na wika nito. Naintindihan niyang hindi gustong pag-usapan ng mag-asawa ang tungkol kay Darlene. Maingat niyang inilapat ang ulo nito sa isang malambot na unan. “Saan ka pupunta?” Pinigil siya nito sa kanyang kamay nang tumayo siya mula sa kama. “Magsi-six o’clock na at hindi pa ako nakakapagluto. What do you want for dinner?” Hinaltak siya nito pabalik sa kama. At waring sinasadyang mismong sa katawan nito siya bumagsak. “Ikaw ang gusto kong

