WM43-3: disowned

1463 Words
Indigo POV Hindi kami umuwi sa mansion ng mga magulang ko. Magpapalamig muna kami dito sa condo ko kahit tatlong araw lang. Maaga pa ang gabi at bilang reward sa mga tauhan ko ay tumawag ako sa suki na Casa kung saan palaging nagbibigay ng mga aliw ang mga babaeng pinapadala nila sa amin. “Hello Darla. Oo yong dati pa rin na paborito ng tatlo. Idedeposito ko na lang sa account mo ang bayad. Salamat.” Ibinaba ko na ang cellphone ko. “O, nandito ulit ang paborito ninyong tatlo. Basta magkapote palagi. Alam n’yo naman ang panahon ngayon. It's better to be safe than sorry,” sabi ko sa kanila. “The best ka talaga bossing! Alam na alam mo ang likaw ng bituka namin,” ani Gomer sa akin. Sa tatlo, ito rin ang pinakamalibog. Malaki naman ang condo. Doon ako syempre sa master's bedroom. Bahala na silang tatlo kung saan pupwesto. Pumasok na ako sa masters bedroom. Doon ay mas magiging payapa ako. Alam na ng tatlo ang gagawin. Kaya ako ay titingnan muna ang aking bank balance. May pagkakataon noon na pinahold nila Mama ang aking mga card. Kaya, natuto na ako. May sarili naman akong pera kaya kumuha na ako na wala silang access. “Eighty million na lang?” Napabuga ako ng hangin. Mukhang nilulumot na yata ako sa paninisid ng mga matrona. Noon ay halos one hundred million ang ang laman ng account ko. Biglang may pumasok na idea sa aking isipan. Kaya, tiningnan ko ang family background ni Maddison Lee. Napaawang ang labi ko nang makita ko na kabilang pala ang pamilya nito sa isa sa mga pinakamayaman na angkan sa South Korea. Though nakabase ang pamilyang Lee sa Pilipinas. Ang mga negosyo ng mga ito ay pawang nasa South Korea. Iilan lang ang nasa Pilipinas na pawang mga pagawaan lang ng ilang pagkaing Korean na patok sa mga Pinoy. Napangiti ako. Dalawang araw buhat ngayon ay bibisitahin ko si Matilda Lee. Makikita ko na ng personal si Maddison. Maganda naman siya sa picture pero masyado pa siyang bata. Napakunot ang aking noo nang marinig ko ang kalabog sa labas. Tumirik ang aking mata. Si Gomer panigurado iyon. Mahilig ito sa rough s*x, lalo na kapag kapareha nito ang kanyang suki na si Karen. Gusto ko rin sana ng babae kaso wala ako sa mood. Masyadong okupado ang aking isipan sa paninimbang kung tatanggapin ko ang offer ni Matilda. At kung totoo mang bulag si Maddison ay mas madali kong makakamkam ang kanyang kayamanan kapag nagkataon. Bigla akong nauhaw. Kaya lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Tama nga ang aking hinala. Si Gomer at Karen ay parang mga hayop na nagtatalik sa sofa. Nakatuwad ang babae at napangiti nang makita ako. Makailang beses na akong inakit noon ng babae pero, hindi ko pinatos. Wala akong hilig sa mga babaeng bayaran. Hindi sa nag-iinarte pero marami naman ang pwede na makaniig ng walang bayad. Napailing ako at diretsong kumuha na ako ng bottled water sa ref at bumalik na sa silid. “Ah, ang galing mo talaga Gomer. Ahhh. . .” ani Karen. ********* Kinabukasan, maaga akong nagising. Naligo kaagad ako at pagklabas ng kwarto, nakahain na pagkain sa mesa. Bilib din ako sa mga kaibigan ko dahil maasahan ko sila. Kung doon sa bahay, sila ang mga boy namin. May kusa silang galaw kaya hindi rin mapalayas ni Mama dahil gusto sila ng aking Papa. “Good morning, Bossing!” Sabay na bati ng tatlo. “Good morning din. Ang sisipag naman ng mga nakaiskor sa tsika babes ah!” tukso ko sa kanila. “Dalawang babae lang po ang bayaran ninyo bossing. Wala ako sa kondisyon kagabi, kaya pinauwi ko ‘yong isa,” ani Gardo. Tumango lang ako at nag-umpisa na kaming kumain. Mamaya ay uuwi kami sa mansyon ng mga magulang ko. Kaya, hinahanda ko na ang katakot-takot na sermon ni Mama at Papa. Mas okay na ang sermon ni Papa. Hindi pa naman ako nakaranas ng pisikal na pananakit sa kanya. Pero, ang bawat insultong binibitawan niya ay parang mga punyal na sinaksak sa aking dibdib. Hapon na nang magpasya kaming umuwi. Pagdating namin sa mansyon ng mga magulang ko, naroon na sa garahe ang sasakyan ni Papa. nagtinginan kaming apat at tinapik ni Gardo ang aking balikat. “Kaya mo yan bossing!” aniya na tila naaawa sa sasapitin kong sermon. Pumasok na ako sa bahay at kaagad na sinalubong ako ni Mamang isang matunog na sampal. Bumaling ang aking mukha ng tinamaan ang aking kaliwang pisngi ng nakakatulig niyang sampal. Napahawak ako sa lakas ng impact niyon. Parang tumunog ang aking tainga sa ginawang iyon ni Mama. “¡Sirvenguenza Indigo!” Namumula si Mama sa galit. Ganito naman palagi, sanay na ako. Samantalang nasa sulok lang lang si Papa na tahimik na umiinom ng whisky sa kanyang baso na may yelo. Lumapit ako kay Papa at nagmano. Kahit naman galit ang aking mga magulang ay hindi ko nakakalimutan ang gumalang. “This is the last time you will do that scandalous thing, Indigo Magtanggol,” kalmado ngunit mariin na saad ni Papa. Hindi ako umimik at hinayaan siyang magpatuloy sa kanyang sasabihin. “You are free to leave this household and do whatever pleases you. We have exhausted all the efforts to hone you to be the next seasoned lawyer in this family. But, all you did was embarrass us. You are a disappointment to the Magtanggol pride.” Tumayo si Papa at iniwan ang kanyang inumin sa katabing mesa. Sumunod si Mama sa kanya. Ni hindi man lang ako nagawang lingunin ng isa sa kanila. Tumalikod ako at hindi ko namalayan na masasaktan pa rin pala ako sa narinig ko sa kanila. Akala ko na lahat ng magulang ay hindi matitiis ang anak. Pero, mali ang aking akala. Hindi nga pala normal ang pagpapalaki nila sa akin. And just like that I was disowned by my family. Hindi na ako nag-empake. Nasa akin naman ng lahat ng kailangan ko. Naglakad ako papunta sa quarter ng triplets. Kumatok ako sa kanilang pinto at kaagad bumukas iyon. “Hindi ba, sasama kayo sa akin? Mag-empakae na kayo at lalayas na tayo sa letseng pamamahay na ito,” sabi ko. “Areglado bossing!” sabay nilang sagot. Naglakad na ako papunta sa aking sportcar. Napailing ako dahil ang sasakyan na ito ay napanalunan ko pa sa isang pustahan sa palakasan sa pag-inom. Bugatti Veyron lang naman. Nawindang pa ang mga magulang ko nang iuwi ko ito last year. Akala ng mga ito ay kinarnap ko. Pero nang i-transfer ng may-ari sa akin ang ownership ay wala silang imik. Sampung minuto pa, bitbit na ng tatlo ang mga gamit nila. Kaya, lumabas na kami sa balwarte ng aking mga magulang. Napatingin sa akin ang mga kawaksi. Awa ang naramdaman nila sa akin. Sila ang mga nakasama kong lumaki. Sila ang naging saksi sa kalupitan at kalamigan ng trato ng mga magulang ko sa akin. Napangiti ako na nakatingin lang sa kawalan. Wala akong panghihinayang sa pagtakwil ng mga magulang ko sa akin. Sapat na na sinamahan ako ng tatlong kaibigan na jkapatid na ang turing ko. Sila ang nakakaunawa sa aking mga saloobin ko. Soguro, kung wala silang tatlo ay matagal ko ng naisipan magpatiwakal. Nag-inuman kami ng gabing iyon. Nilunod ko ang aking sarili sa alak para maging manhid ako sa sakit. ******** “Ang ganda naman ng mansion ni Madam Matilda bossing!” ani Gener. Narito kami ngayon sa labas ng mansion nila Matilda. Matayog ang bakod na nakapalibot sa bahay nito. Sa labas pa lang ay alam mong bigatin na ang mga nakatira. Puti ang kulay ng three-storey na mansion. Ito yata ang pinaka marangya sa lahat ng bahay na nadaanan nila sa exclusive village dito. Bumukas ang matayog na gate. Napangiti ako dahil sadyang napaka-high tech nga naman. Automatic iyon at nakita ko ang cctv na nakakabit sa gilid. Pumasok ang aking sasakyan sa malawak na garahe kung saan nakahilera ang mga sasakyan ng mga Lee. Bumukas ang front door at lumabas mula roon ang nakasuot ng pulang house dress na si Matilda. “I knew you won't say to my offer,” sabi Matilda. “Welcome to my home,” aniya. Minuwestra niya ang kanyang kamay na pumasok kaming tatlo. Napakaganda ng kanilang living room. Katulad ng nasa VIP room sa Fantasy Bar, pula ang kulay ng magarang sofa nila. Umupo kaming apat at may kawaksing nagdala ng maiinom na orange juice at chocolate cake. “Senyorita, dahan-dahan po. Baka mapasubsub kayo,” dinig kong saad ng isang boses. Napalingon ako at nakita ang isang dalagang parang isang anghel sa ganda. “Ang tagal pa ng tatlong taon,” tanging nasambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD