Libre Pinauwi ko na kanina si David pagkapasok ni Auntie kanina. Mabuti naman at hindi na siya nagmatigas ng ulo na pumasok pa sa loob. Nakakakonsensya man ngunit ayaw ko lang makarinig ng salita na pinag-uusapan nila si David. Iisa lang din naman ang patutunguhan ng kanilang usapin, at iyon ay magkaano-ano kaming dalawa. Kaibigan man ito ngunit ang pagiging magkaibigan sa isang bakla ay may kaakibat na ibang estorya. It's either bakla din ito o hindi kaya ay pineperahan nito ang bakla para ibigay ang hinihingi ng bakla. And that's how toxic my surrounding is that I am afraid having my friends at home. "Nabayaran mo na ba ang bills na pina-inquire ng Mama mo sa iyo kanina?" Tanong nitong ikinailing ko. "Naku! Wala kang maasahan sa akin kaya maghanap ka ng paraan. Humingi ka ng tulong doo

