Amoy Napabaling ako sa pintuan nung kumatok si Laiceia dito. Napatakbo akong pinagbuksan siya ng pintuan na ikinahingal ko. Nagulat siya at kaagad inalalayan ako dahil sa malalalim ko na paghinga. "O-Okay lang ako," nahihingal ko sabi ito sabay pigil sa kamay nitong hinagod ang aing likuran. "Bakit ka ba kasi hinihingal? Akala ko tuloy hinika ka. Ano? Seasick ba?" Nag-aalala nitong tanong sa akin. Napailing ako sabay upo sa sofa. Pumunta ito sa labas kung saan binungad siya ng hangin. Napangiti naman siya habang pinagmamasdan ang malawak na pool. "Maganda hindi ba?" Tanong ko sa kanya. "Mabuti pa dito sa room niyo may balkonahe tapos makikita pa ang pool. Sa amin kasi wala tapos sabi ko kay Kenneth na tayo nalang magsama kasi hindi naman kayo bati ni David," pagmamaktol nito. "Okay

