Sunset Pagkatapos ng pananghalian ay diretso na lamang kami sa mga kwarto para makapagsiyesta. Siguro sa pagod narin namin kaya napagpasyahan naming magpahinga na muna bago kami pumunta sa binabalak nilang dagat mamaya. Nakaupo lamang ako dito sa labas habang nakapatong ang dalawa kong paa sa metal na upoan. Tinatanaw ang malaking pool sa ibaba na kaunti lamang ang naliligo. Kahit na mainit ay may iilan din naman pero halos mga bata. Kahit na may pool dito ay napili parin nilang magpunta daw sa isa sa sikat na beach dito sa Cebu. "Babe," bulong nitong sabi. "Tumahimik ka nga, David. Kanina ka pa kaya tigil-tigilan mo na nga iyang kakatawag sa akin ng babe," pigil ko pero sa kaloob-looban ko ay hindi ko mapigilang hindi kiligin. Imbes na magsiesta siya ay napiling kulitin ako dito sa la

