True Feelings "Hindi lang naman ako ang umiiwas sa atin ah? Don't treat me unfairly coz you're the one who started it first," panimula nito. Natigil ako sa paghakbang habang nakatalikod sa kanya. Aalis na sana ako ngunit nagsalita siya na ikinatigil ko. Ang ambon na kani-kanina lang nagsimula ay biglang bumuhos na nga ang ulan. Naglandas ang ulan sa aking mukha na siyang dahilan kung bakit walang naglandasang luha sa aking mukha. Nakihalubilo ito sa ulan na parang alam nito na ayaw niyang magpakita sa iba. "Why did you work that day?" Tanong nitong ikinakunot ko ng noo. "Alam mong nagkasakit ka nung araw na iyon pero pinilit mong pumasok? I called you many times! Pero ano? I didn't receive a message from you. Para akong mabaliw kakaisip kung saan ka nagpunta o maayos ka na ba? Pero si R

