Off "Buti naman at off mo ngayon," tanong sa akin nung sinalubong niya ako sa terminal. "Hindi ko off ngayon. Hindi lang talaga ako binigyan ng schedule kasi nakalimutan kong magtext na papasok na ako. Mabuti narin kasi nalasing ako kagabi. Ang sakit pa nga ng ulo ko," ani ko dito. Mas nakadagdag pa sa sakit ng ulo ko ang init at ingay ng sasakyan. Ganoon ba talaga lahat ng alak, sasakit ang ulo pagkagising mo? Na parang bibiyakin nito ang ulo. Sumilong muna ako sa mga tindahan nadadaanan namin habang patungo kami sa boarding house niya. "Sino ba mga kainuman mo? Nagustuhan mo naman? Tsk!" "Iyong kapitbahay lang din naman at mga katrabaho niya. Nalasing talaga ako kahit ilang baso lang ang ininum ko. Ganoon ba lahat ng alak?" Nag-ikis ang kanyang mga kilay. "First time mo?" Tanong n

