Buddies "David," yugyug ko sa balikat nito. "Gising na." Nasanay na akong magising na maaga para lang makaligo. Itong mga nakaraan kasi ay medyo napapadalas na hindi ako naliligo bago pumasok sa paaralan. Pero bumabawi naman ako bago pumasok sa trabaho. "Sige! Mauuna na ako sa iyo," ani ko habang naghahanda ng mga gamit ko. "Huh?" Nagising ito. Napatingin siya sa akin na nakauniporme na. "Anong oras na ba?" Tanong niya sabay tingin sa kanyang cellphone. Kaagad na itong umalis sa kanyang kama at nagsuot ng uniporme. Literal na nahulog ang baba ko sapagkat hindi man lang siya nag-abalang maghilamos man lang o hindi kaya ay magpalit ng underwear? Hindi kasi ito nagshoshort kapag natutulog kasi gusto niya ng boxer. Tapos, hindi din siya nagdadamit ng pang-itaas tuwing natutulog kasi naii

