"Wag kang lalapit Drake! Binabalaan kita. Wag Kang lalapit!" Pigil n'ya dito sabay taas ng dalawang kamay paharang kay Drake.
"Remember, na nasa loob tayo ng silid mo Althea. Hindi ako magkiming angkinin ka dito." Mariin nitong sabi habang hindi inaalis ang pagtitig sa kanya.
"Bababa na ako. Le--Let me fix myself first" kanda utal niyang sabi.
"Good! Paki bilisan. Hihintayin kita rito."
Mabilis ang bawat kilos ni Althea. Agad siyang pumasok ng banyo at naghilamos, pinusod ang alon alon na mahabang buhok at nag spray ng konting pabango.
Hindi na s'ya nagbihis dahil sout niya pa rin ang kanyang black fitted pants at loose blouse na kita ang puson at lumabas ng banyo.
Napatda s'ya sa kinatatayuan ng makitang hawak hawak ni Drake ang kanyang photo album. Bigla ang bundol ng malakas na pintig ng kanyang puso.
No! hindi niya pwedeng makita yun.
Sigaw ng utak ni Althea.
"Bat mo ba ginagalaw ang gamit ng iba ng hindi man lang nagpaalam?" Singhal niya ditto, at akmang hablutin mula dito ang photo album.
Ngunit mas lalong nanlaki ang kanyang mata ng mapagtanto ang larawan na tinitigan ni Drake. It was her picture wearing a two-piece swimsuit na kulay pink, kuha iyon sa isang private resort malapit sa hacienda.
Iniwas nito mula sa kanya ang photo album at ngumiti ngiti pa ito habang kagat kagat ang ibabang labi. "You look gorgeous and hot in this picture" sabi nito sa mapa nuksong tinig. "I wonder how it tastes!" sabay lakbay ng mga mata nito sa kanyang kabuoan.
"You maniac." Sabay kuha ng unan at hinampas iyon kay Drake.
Isang malutong na tawa lang ang pinakawalan ni Drake habang s'ya naman ay ramdam na ramdam ang pag-iinit ng pisngi.
Sa kabilang banda ay nakaramdam s'ya ng tuwa ng marinig ang malutong na halakhak ni Drake. It sounds like music to her ear, at kahit papano ay kumalma ang kaninang sobrang inis na nararamdaman sa binata.
"You look cute when you're blushing."
Bigla s'yang napalunok at pilit iniiwas ang mukha mula dito.
"Let's go down, gutom na ako! Kanina kapa namin hinihintay."
"Bakit kasi hindi ka pa kumain? Bat kailangan pa akong hintayin."
"Kailangan ko ng sanayin ngayon palang ang sarili ko na kasabay kang kumain. We're getting married, remember?"
Lintik! Ok na sana eh, Bakit kailangan pang banggitin na lang palagi ng hinayupak na ito ang kasal?
Inis na usal ni Althea sa isip.
"What makes you think na talagang magpapakasal ako sayo?"
"Because you don't have any choice. whether you like it or not, your soon-to-be Mrs Althea de Luna. Soon-to-be Drake de Luna's wife."
Hinapit 's'ya nito sa baywang na agad n'ya namang iwinaksi.
"Don't be too confident Drake! Wala pa akong sinabing magpapakasal ako sayo. As far as I remember sabi kung hindi ako magpakasal sayo."
Drake heaved out a deep sigh.
"Let's see Althea. Let's just see. For now, please! Bumaba na tayo, i'm starving."
Nagpatiuna siyang bumaba habang nakasunod sa kanya si Drake. Ngunit nagulat s'ya dahil wala namang pagkain na nakahanda sa mesa.
Marahan s'yang bumaling kay Drake at napakunot noo habang tinitigan n'ya ito ng nagtatanong na titig.
"Nasa likod ng mansion."
"Bakit doon? Ano to kakain tapos mag swi-swimming?" Takang tanong n'ya.
"Wag Ka na maraming tanong!"
Tinulak siya nito sa pinto at pinagbuksan.
"Happy Birthday Althea." As they greeted her in unison.
Lahat ng katiwala ng mansion ay nandun, maging ang mga trabahador na malapit sa kanya at naka hilera ang maraming pagkain sa malaki at mahabang mesa.
Hindi mapigilan ni Althea maging emotional sa oras na iyon. Unti unting pumapatak ang kanyang mga namumuong luha sa mata at bahagyang lumingon kay Drake na ngayon ay isang dangkal ang layo ng mukha nito mula sa kanyang mukha.
Naramdaman n'ya ang paghawak ng dalawang kamay ni Drake sa kanyang magkabilang baywang at hinapit s'ya nito.
"Happy birthday!" he said and kissed her on the cheeks. And hugged her sabay halik uli sa kanyang leeg.
"Nakakarami kana." She said in between sobbing. Sabay pandilat ng mga mata. "Mapagsamantala ka talaga" Sabay apak sa paa nito.
Drake groaned. And bit his lower lip. "It hurt Althea. Pasalamat ka, araw mo ngayon."Anito saka pinisil ang kanyang baywang at kinindatan bago s'ya bitawan at tinungo ang mahabang mesa.
Her heart skips a beat ng makita niya itong papalapit sa kanya dala dala ang malaki at hugis bilog na cake.
" Now, make a wish and blow your candle!" anito ng may matamis na ngiti sa labi.
Marahan niyang ipinikit ang mga mata at umusal ng isang panalangin. As she opens her eyes ang mukha ni Drake ang agad n'yang nakita.
"Althea! mahalin mo sya wag mo siyang hayaang mag-isa. Pangako mo sa akin na mamahalin mo s'ya. Nag aalala akong mapunta siya sa maling tao pangako mo sa akin Althea. Alam kung matutunan mo siyang mahalin. Alam ko, dahil may busilak kang puso iha."
Para n'yang narinig ang tinig ng Don. Ang huling habilin nito sa kanya, sa mga huling sandali nito.
"Althea!" untag ni Drake sa kanya. "Are you okay?"
"Ah! oo" Sabay ihip ng kandila sa ibabaw ng cake.
Hindi paman dumating si Drake sa buhay n'ya she already expected this thing to happen. Dahil simula ng magkaisip lagi sinasabi sa kanya ng yumaong Don na gusto s'ya nito para kay Drake.
Ngunit simula ng dumating ito sa Pilipinas. Palihim niya itong binibisita sa manila, nakita niya ng palihim ang iba't ibang babaeng kasama nito.
Paano niya tutuparin ang bilin ng Don. Kung siya mismo sa sarili n'ya ay natatakot sa maaaring kahihinatnan ng pag papa-kasal dito.
Hanggang sa makaalis si Drake sa kanyang harapan ay nanatiling nakasunod ang tingin n'ya dito.
Masaya ang lahat habang kumakain, habang ang iba naman ay nag iinuman. Purong mga malapit na trabahador ng hasyenda at katulong sa mansion ang kanilang bisita, dahil ang mga ito lang naman ang kanyang maituturing na pamilya.
Ang kaibahan lang ngayon ay wala na ang Don at pumalit naman si Drake.
"Althea!" Untag sa kanya ni Maya."Kanina kapa naka titig kay seniorito Drake! Gwapo n'ya no? Alam mo bang s'ya ang nagpa cater nitong mga pagkain? Galing pa ito ng bayan, mula sa catering service."
"Ano?" Gulat na tanong n'ya.
"Oo, magluluto sana kami ni manang kahit kaunti lang sana, yung kunting salo-salo lang para sa'yo. Kaya lang mapilit si seniorito. May tinawagan lang siya, pagsapit ng Alas sais y medya ng gabi eh dumating ang mga pagkain."
Bakit niya 'to ginagawa?
Muli n'yang tinitigan si Drake na masayang nakipag inuman ito sa mga trabahador ng hacienda.
Lahat ng tao ay may good and bad side, at sa case nila ni Drake baka nga ang bad side pa lang nito ang kanyang nakikita.
She still has a few days to decide. At sisikapin n'yang makita ang magandang katangian ng binata sa loob ng ilang araw na iyon.
Muli n'yang tinitigan ang binata. Tumatawa ito habang kausap ang mga kainuman, hanggang sa mapalingon ito sa gawi n'ya.
As their, eyes meet. Her heart skipped a bit. Para siyang isang teenager na nahuling nakatitig sa kanyang crush, biglang uminit ang kanyang mukha at mabilis binawi ang pagtitig dito.
MALALIM na ang gabi, at unti unti ng nagsi uwian ang kanyang mga bisita. Habang ang iilan ay nag tulong tulong sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan.
"Manang mag pahinga na po kayo, ako na ang magdadala ng mga ito sa loob." Aniya kay manang Alice. Sabay kuha ng mga plastic na upuan na ginamit sa munting salo-salo at akmang dadalhin sa storage room.
"Magpahinga na kayo manang kami na po dito." ani ni Drake na na malapit na sa kanila, "Ako na nito." sabay kuha ng monoblock chair na bitbit na niya.
"Oh s'ya sige, mauna na akong pumanhik sa inyo." Ani manang Alice.
Ngiti lang at tango ang tinugon niya dito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan ng natapos ang kanilang pagliligpit at nagsi uwian na rin ang lahat ng kanilang bisita.
She was left alone habang nakaupo sa isang upuang kahoy at nakatingala sa maliwanag na buwan.
"Here, "
"Ano yan?"
"Beer" ani Drake.
"Hindi ako umiinom n'yan!"
"Talaga? Pinagbawalan ka rin bang uminom ni Lolo?" tanong nito habang tinutungga ang isang beer in a can.
"Hindi."
"Try it." Muli nito binigay sa kanya ang latang may laman na beer.
Tinanggap n'ya iyon sabay bukas at tungga. Bahagya pang napangiwi sa kakaibang lasa non.
"Ang pangit ng lasa" komento niya!
"Inumin mo lang, masasanay ka rin." Anito sabay tungga ulit ng beer at umupo sa tabi n'ya. "Gusto ko nang bumalik ng manila, dahil marami akong trabaho na naiwan dun. But I have to stay here with you too, hanggang makapag desisyon ka."
"Trabaho O ang mga babae sa Maynila ang naiwan mo?" aniya sabay tungga ulit ng beer, hanggang sa ang isang can ay muling na sundan ng ilan pa.
Drake grinned " Both!" anito.
"Go back then. You don't have to stay here. Itawag ko nalang sa telepono o di kaya kay Atty Vargas ang desisyon ko. Since walang babae dito, kaya siguradong matitigang ka."