Althea pouted her lips habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. They were travelling back to Manila. "Babe," "Wag mo akong kausapin," pasinghal na wika nito. Bumuntong hininga siya. Nagtampo ito dahil hindi niya hinayaang sumakay sa kabayo, sa halip ay sasakyan ang ginamit nila papuntang rancho. Ginagap niya ang isang palad nito, ngunit hinila nito ang palad at dinala sa dibdib sabay pinag ekis ang mga braso. "Galit ka talaga ano?" Aniya. Ngunit hindi ito umimik. "Suplada," aniya. "Maganda, naman," Malapad ang pagkapuknit ng labi niya sabay iling. Mas lalong isinuksok ni Althea ang katawan nito sa sulok na tila ayaw nitong maabot niya. He turned on the stereo pumailanlang ang jazz music sa loob ng sasakyan. It took two hours and a half to three hours ang byahe pabalik ng manila

