MABILIS na lumipas ang isang araw, ngunit ang usapan ni Dexter at Drake ay hindi mawaglit waglit sa isip niya. They only have five days left sa ultimatum na two weeks na binigay ni Atty Vargas para sa desisyon nila ni Drake, kung magpapakasal ba sila o hindi. Bakit pa niya patatagalin ang desisyon niya kung magpapakasal lang din naman siya! She is lying on her bed and staring into the ceiling. Handa na ba siya sa panibagong yugto ng buhay niya? She will become Althea de Luna, isang asawang hindi kayang ipagsigawan at ipangalandakan ni Drake and worst maghihiwalay din pagkatapos ng isang taon! It's only one year of marriage Althea. One year. Marahas siyang bumuntong hininga at lumabas ng kanyang silid. Biglang pumasok sa kanyang isip si, Drake, hindi ito sumabay sa kanilang mag hapunan

