Sa isang sikat na restaurant siya sa makati dinala ng asawa, European style ang disenyo ng restaurant na napalibutan ng luntiang halaman habang nasa gitna ng intrada ang isang di kalakihang fountain. Gawa sa glass ang wall ng restaurant, kaya sa labas palang ay kitang kita niya na ang karangyaan sa loob. Sa labas pa lang ay agad na silang sinalubong ng babaeng manager na halos abot tenga ang pagka ngiti kay Drake. Well, it does not surprise her dahil kahit sinong babae ang nakakakita sa kanyang asawa ay hindi maiiwasan na mapahanga ang mga ito maliban sa ka gwapuhan at kakisigan ng asawa ay isa din itong bilyonaryo, which is every woman's dreams. She took a deep breath. This is their first time going out together as a husband and wife, kahit panandalian lang ay gusto niya munang kal

