Her heart is humming inside her chest. Muli siyang napapikit at bumuntong hininga, muli niya binuksan ang mata at lumunok. "Im sorry, if I cause you pain- - -" "Sorry? Pagkatapos mo akong gawing katawa-tawa, pagkatapos mo agawin sa akin ang taong mahal ko, ganun lang yun? sorry?" Kita niya ang matinding galit nito sa mukha, dahil sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa poste, maging ang pamumula ng mga mata nito ay naa-aninag niya. Panay ang tambol ng kanyang dibdib, panay ang kanyang lunok. Kung nakakamatay ang mga titig ni Andrea ay malamang nakabulagta na siya. "Sana tinuloy-tuloy mo nalang ang pag-arte mo na Secretary niya, umarte kanalang sinagad-sagad mo na sana." Andrea stepped forward towards her. She just stays still, hindi naman siguro siya kayang saktan nito, lalo pa at nakikit

