Malalim na ang gabi, pero marami pa ring tao sa bakuran namiin. Ang mga kaklase ko ay nagkakantahan. Nagdala kasi ng gitara si JP, na member din sa school choir ng university. Ang mga kaibigan at kakilala ni Tatay ay may kani-kaniyang mesa at kani-kaniya ring laro ng sugal. Ang iba namang mga kamag-anak ni Tatay ay kani-kaniyang huntahan at kuwentuhan sa isang panig ng bakuran. Kailan nga ba ang huling pagkakataon na nagkaroon ng ingay at kasiyahan Sa bakuran namin na ito? Iyong debut ko yata ang huli. Iyon ang huli at masayang alaala ng lugar na ‘to. “Stella?” Lumingon ako at nakita ko si Tito Rey nakatayo sa bandang gilid ko. Namumula ang balat nito na halatang nakarami na ng nainom na alak. Si Tito Rey ay kapatid ni Tatay. Tatlo silang magkakapatid na puro lalaki. Si Tatay a

