Chapter 24 Kakatapos lang naming kumain ni boss pero hinila na agad siya ng mga kaibigan at inabutan ng beer. Nagpakilala sakin ang mga kaibigan niya pero hindi ko matandaan ang mga pangalan. Ang kasama ko ngayon ay si Venice tsaka yung ibang mga babae na bisita. Mababait naman silang lahat, yung isa lang talaga kanina ang namumukod tangi. "May dala ka bang swim suit?" tanong sakin ni Venice na agad kong inilingan. Ni hindi ko nga alam na pool party pala ito e. In the first place, hindi naman talaga kasi ako dapat kasama dito. Napilitan lang ako dahil sa boss ko na isip bata din talaga minsan. "Gusto mo pahiramin kita? Mukhang magkasing size lang naman tayo ng body e." sasagot pa lang sana ako nang may mauna na sakin. Sino pa ba? Edi ang pala desisyon na si Cameron. "No, hindi siya mag

