Chapter 22 Isang oras nang natutulog si boss at isang oras na din akong hindi gumagalaw sa puwesto ko. Natatakot kasi ako na baka kapag gumalaw ako e mahulog kami. Kasi naman, ang liit lang nitong sofa tapos dalawa kaming nakahiga. Tsaka ang bigat ni boss, halos nakadagan na siya sakin e. Nakakagulat talaga ang mga pangyayari. Umiiyak lang naman ako kanina tapos dinamayan ako ni boss. Ngayon heto na, dikit na dikit kami dito sa sofa. Ang ipinag aalala ko ngayon ay baka may biglang pumasok na empleyado dito sa office ni boss at maabutan kami sa ganitong posisyon. Alam ko naman na kailangan muna nila ng permission bago pumasok dito pero kahit na, what if importante ang sadya nila? Tsaka siyempre hindi naman maiiwasan na iba ang iisipin ng mga makakakita samin lalo na ganito pa ang posisyo

