Chapter 10 Maaga akong gumising dahil maaga din ang pasok ko sa trabaho. Buti na lang at nagising ako sa tunog ng alarm clock kahit na antok na antok pa ako. At dahil kulang ang tulog ko kaya badtrip ako ngayon. Kumain muna ako ng agahan na hinanda ni tatay saka umalis ng bahay. Naglakad lang ulit ako hanggang sa kabilang kanto, sakto naman na may dumaan agad na jeep. Sumakay ako dito, buti na lang at hindi pa masyadong siksikan, sabagay maaga pa din naman nga kasi. Bumaba ako nang makitang nasa harap na kami ng Del Real building. Binati ako ni kuya guard nang pumasok ako, at dahil wala ako sa mood ay tipid ko siyang nginitian at binati din. Mukhang nanibago siya kaya di niya napigilang magtanong. "Hija, ayos ka lamang ba? Bakit parang ang tamlay mo yata? May sakit ka ba?" nag aalala niy

