Kaagad nilabhan ni Allison ang kanyang damit upang hindi na makita pa ni Aling Laura. Ayaw niyang pagsinungalingan din ito at sabihin ang palusot tungkol sa pusa. Nagki-cringe siya. Bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Carter. How easy it was for her to surrender herself. She smiled and bit her lower lip. Gano'n pala ang pakiramdam... "Kumusta, 'Nak, nagawa mo na ba?" usisa ni Aling Laura. Napalingon siya nang marinig ang ina. "Nasimulan ko na, Inay," tugon niya. "Siguro malaki iyon, ang tagal mo na kasing hindi matapos tapos." "O-oo, 'Nay," nauutal niyang tugon. "Malaki po talaga. At saka nahihirapan po ako." "Mabuti mahaba ang pasensya ni Carter kaya ayos lang sa kanya kahit matagalan." "Opo, 'Nay." Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit lahat ng sinasabi ng kanya

