Faith
Nagising ako na kumikirot ang ulo ko. Mukhang tinanghali na naman ako ng gising dahil kahit pupungas-pungas pa ako’t bahagya lamang na nakabukas ang mga mata ko, natanaw ko mula sa verandang hindi ko naisara kagabi na mataas na ang sikat ng araw.
‘langyang hangover ‘to, ayoko na mag-inom!
Marahan akong naupo dahil medyo hilo pa ako. Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Nag-inom ako mag-isa. Bumisita si Philip sa unit ko. Nag-inom din kami at…
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang maalala ang huling memoryang tumatak sa utak ko.
Umusal ako ng malutong na mura nang matandaan ko iyon. Inaantok man ako’t tinamaan na ng alak, tandang-tanda ko kung paano kami naghalikan. Dinama namin ang katawan ng isa’t-isa. Ang init ng mga halik niya’t ang mga haplos, nakakatunaw ng huwisyo.
Tsk. Ang tagal ko nang hindi naramdaman iyon. Kaya nang sinimulan ni Philip ang pagiging pisikal, hindi ko na rin iyon natanggihan pa.
Well, wala naman kaso sa akin iyon. Ano ngayon kung naghalikan kami’t nagkahawakan?
I shook my head. Tanginang hangover talaga ‘to.
Bumangon ako para gumawa ng kape. Nasulyapan ko pa ang bouquet ng tulips na inilapag ko sa mesa. Galing iyon sa kanya, kasama ng wine na dinala niya rito. Nilagpasan ko lamang iyon at dumiretso sa coffee maker para mag-brew ng kape.
Kahit na gusto kong humilata maghapon at itulog na lamang ang sakit ng ulo ko, kailangan ko pa ring puntahan ang mansyon. Naroon ang mga trabahador ngayon. Tutal, araw naman ngayon ng Sabado, huling araw ng pagtatrabaho iyon para sa linggong ito. Bukas na lang ako magpapahinga, kahit buong magdamag pa.
Habang hinihintay ang kapeng nakasalang, patalikod akong sumandal sa counter dahil medyo inaantok pa ako. Idagdag na bahagyang umiikot din ang paningin ko. Muli kong nasulyapan ang bouquet doon at napansin ang isang puting envelope doon.
Out of my damn curiosity, I gathered my strength and moved closer to the table to check what’s inside.
Walang ingat kong pinilas ang gulo ng envelope. Tumaas ang kilay ko nang mabasa kong birthday card iyon. My name was written cursively.
‘Faith’
Binuksan ko iyon at binasa ang nilalaman.
Happy birthday, Miss Arconado!
Hope you enjoy your day. Here’s a bouquet of tulips to brighten up your day.
Philip
I shook my head once and smirked evilly. Well, we enjoyed each other last night. We made out in my birthday. Okay na ‘yon.
Kung may birthday s*x, birthday make out naman ang nangyari sa amin.
Dahil tinanghali, kahit hindi masyadong maayos ang pakiramdam, tumungo pa rin ako sa mansyon. I sported a white racerback with a long sleeve maong shirt, black fitted jeans and a combat boot. Dumaan muna ako sa isang kainan ‘di kalayuan sa mansyon para bumili ng pwedeng meryendahin ng mga trabahador. Sigurado akong tapos ng kumain ang mga iyon sa pananghalian nila kaya meryenda na lang ang bibilhin ko.
I just hope Banjo cooked lunch for them.
Pagdating ko roon, lahat sila, abala sa trabaho. Agad kong natanaw si Banjo na kasalukuyang nag-aayos ng mga kahoy sa isang sulok. Nang mapansin niya ang presensya ko, agad siyang nagpagpag ng mga kamay at sinalubong ako.
He smiled. “Good morning, Madam!” bati niya sa akin.
I looked at him and blandly answered. “Alas dos na ng hapon.”
Nagkamot siya ng ulo pero hindi nalusaw ang mga ngiti niya sa akin.
“Kumain na ang mga trabahador, Madam.” Panimula niya.
Inabot ko sa kanya ang malaking plastic na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng tinapay at palaman. Mayroon ding ilang malalaking pakete ng creamer at kape. Iyan na lang muna para sa araw na ‘to. Atrasado ang oras. Kung magpapaluto pa ako ng meryenda, hindi na iyon aabot sa break nila.
“Okay.” Tipid kong sagot at naupo na sa reclining chair na nakapwesto sa tent. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko.
“Ba’t ka nga pala tinanghali, Madam?” dagdag niya.
Hindi ko siya pinansin dahil inokupa na naman ako ng kirot sa ulo ko. Hinilot ko ang sentido ko. I already took my medicine. Kung hindi pa rin ito huhupa mamaya, babalik na lang siguro ulit ako sa hotel.
“Saka, Madam, hinahanap ka pala ni Engineer De Guia rito kaninang umaga.” Bahagya siyang tumawa. “Hindi ko nga alam kung ba’t ka niya hahanapin sa akin, eh nakita naman niyang wala ang sasakyan mo sa tapat.”
Kahit nakapikit ako, tumaas ang isang kilay ko dahil sa narinig. Bakit nga ba niya ako hahanapin? May ibabalita ba siya sa akin tungkol sa renovation? As far as I know, nag-update na sa akin ang site engineer niya kahapon.
O baka naman dahil sa nangyari kagabi?
Hmm. What does he want? Nabitin ba siya?
“Saka, Madam---”
“Banjo, mamaya na tayo mag-usap, lasing pa ako.” Medyo nanggigigil kong sinabi sa kanya kahit na nakapikit ako at mariing hawak ang magkabilang sentido ko.
Sanay naman na si Banjo sa akin. Kahit sungitan ko siya’t pagalitan, hindi siya nagtatanim ng sama ng loob. He would only go silent o kung minsan, kapag hindi niya ako masyadong sineseryoso, humahagikhik lang sa isang tabi.
Katulad ngayon, tumatawa na naman ng mahina kahit nasa harapan ko lang siya.
“Sige, Madam. Ihahanda ko lang ang meryenda ng mga trabahador.” Aniya.
Tumango na lamang ako sa kanya at hindi na siya tinapunan ulit nang pansin. Isinandal ko ang aking likod sa reclining chair at pinakiramdaman ang sarili. Kahit nakapikit ako, ramdam ko ang pag-ikot ng paligid ko. Maybe, I should lessen my alcohol intake? Alam ko namang hindi ko na maaalis sa sistema ko ang alak dahil kailangan ko iyon para makatulog.
Dahil kung hindi, magdamag na tatakbo sa isip ko si Earl.
“How are you feeling?” narinig kong tanong ng kung sino.
Kahit hindi ako magmulat ng mga mata, kilala ko kung kanino galing ang baritonong boses na iyon. Ba’t nandito siya ngayong? Magi-inspect sa development ng project?
“I’m…” hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko ang unti-unting pag-akyat ng asim ng sikmura ko.
Nasusuka ako!
Kahit halos ramdam ko na sa lalamunan ang nakakadiring bagay na ilalabas ko, ayoko namang madatnan ako sa harap ng kausap ko. That would be disgusting!
Kaya kahit medyo masakit ang ulo ko’t nanghihina, pinilit ko ang sariling bumangon at inilayo ang sarili para makasuka sa gilid.
I was gawking so hard. Ramdam kong halos isuka ko na rin pati ang lamang-loob ko dahil sa tuluy-tuloy kong pagduwal. I felt a hand brushing my back but hell, kahit kasalukuyan akong dumuduwal sa isang tabi, I still manage to pushed him away from me.
I can literally smell myself after gawking several times. Inabot ni Philip sa akin ang panyong hawak niya. Halos pahablot ko na iyong kinuha sa kanya dahil hindi ko matiis ang sarili sa ganitong estado. Uuwi na talaga ako. Ipagkakatiwala ko muna ang pagbabantay sa site engineer at kay Banjo.
“Nagpahinga ka na lang muna sana. You looked sick, Faith.” Aniya.
Tumuwid ako sa pagkakatayo at lumayo na sa lugar kung saan ko inilabas ang nakakadiring bagay sa loob ko. Bumalik ako sa tent at kumuha ng bottled water sa cooler para makapagmumog at makainom na rin ng kaunti.
Tumango na lamang ako dahil iyon na talaga ang balak ko. Pero hindi ko siya hinarap. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa hanggang sa maging maayos ulit ang pakiramdam ko.
Hinayaan ko lamang ang kausap ko na nakatayo sa kinaroroonan niya. I didn’t greet nor talk to him. Tuluyan ko siyang inisnab dahil…wala lang. Ayoko lang. Wala naman akong sasabihin sa kanya eh.
Hindi na ako nagpaalam kay Banjo. Aalis na ako. Naibigay ko naman ang kailangan nila rito’t kay babalik na ako sa unit.
Pero bago pa ako makaalis sa tent na iyon, napigilan na ako ni Philip dahil hinawakan niya ang siko ko. His hold screams gentleness but with authority. Sa paraan ng pagkakahawak niya sa akin, parang ayaw akong pakawalan.
“I’ll drive you home. Mukhang hindi mo na kayang magmaneho.” Aniya.
“Paano ka babalik?” sumulyap ako sa sasakyan niya bago ko ibinalik ang tingin sa kanya. “Huwag mong sabihing magko-commute ka pabalik dito? May kalayuan ang hotel mula rito.”
Napanguso siya. “Magpapahatid ako sa shuttle ng hotel.”
Oo nga pala. This man in front of me is the owner of the hotel I’m staying. Bakit hindi ko agad naisip ‘yon? Mukha yatang pumupurol na ang isip ko.
“Saka…gusto ko sanang pag-usapan ang nangyari sa atin kagabi.” Dagdag niya.
I smirked evilly and with so much sarcasm. Sabi ko na nga ba, pag-uusapan at pag-uusapan talaga namin ito. Ngayon lang siguro siya nakahanap ng pagkakataon dahil ngayon lang din ako nagpunta rito.
“Dito na natin pag-usapan. Make it quick.”
“I’m sorry for taking advantage of you last night. You were drunk. I was only---”
“Tss. Forget it. I enjoyed you, too.” I shrugged my shoulder. “I’m cool now. No need to feel guilty about it.”
Iniwan ko na siya roon. Natigilan siya sa sinabi ko. What? It’s true, anyway. Nakahalik at nakahawak man siya sa maseselang bahagi ng katawan ko pero hindi na siya makakaulit. Hindi ko na rin siya hahabulin pa roon. It’s not like I’m new into this. Ginawa ko na rin ito noon. Kaya kung nagsisisi man siya sa ginawa namin kagabi, hindi niya na dapat ihingi iyon ng tawad sa akin.
Single naman ako, eh, at mukhang single naman din yata siya.
Hindi pa ako nakakalayo roon ay biglang bumukas ang driver’s seat ng sasakyan ni Philip. May babaeng bumaba mula roon. Naka off-shoulder dress na hanggang tuhod na pinartneran ng simpleng sandalyas. Bahagyang naililipad ng hangin ang buhok niyang may haba hanggang sa kanyang baywang. It complimented to her angelic face. Mestiza at matangkad.
“Phil?” malambing na tawag nito sa kanya. “Babe?”
Parang bulang pumutok ang ideyang unti-unting kumakalat sa utak ko. This girl…
Is she his girlfriend?!
Fuck! We just made out last night. Her boyfriend…kissed me wildly and touched me with so much lust.
Matalim kong nilingon si Philip. Rumehistro ang pangamba sa mukha niya ng magtama ang mga mata namin. How could this asshole hit on me when he already got a girlfriend?
Hindi naman ako manhid pero sa ilang naging engkwentro namin, alam ko, pumoporma sa akin ang gagong ‘to.
“Faith---”
“f**k off.” I uttered in complete disgust.
Galit akong umalis doon. Kahit ang babaeng nakatayo ay hindi ko man lang tinapunan ng tingin ng madaanan ko siya para puntahan ang sasakyan ko.
My anger is seething. Sa inis ko sa nalaman, minaniobra ko nang walang hirap ang sasakyan ko at mabilis na nilisan ang lugar na ‘yon.