Just Another Woman Chapter 30 6/9 "Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?" kakauwi lang ni Mathias, galing sa trabaho ng pagbukas palang ng pintuan ng bahay ay agad niyang nakitang nagkakasiyahan ang kanyang asawang si Mariel, anak nila na si Matteo, at ang tatlong magkakapatid na sila Vanessa, Veronica, at Vincent, sa may sala. "Buti nakauwi ka na. Ikaw na lang ang hinihintay namin para kumain na tayo ng dinner. Guest what kung sino ang nagluto ng dinner natin ngayong gabi?" masayang sabi ni Mariel, tumayo ito sa pagkakaupo nilapitan niya ang kanyang guwapong asawa at binigyan niya ito ng mahigpit na yakap. "Syempre, sino pa ba ang magluluto kundi ikaw." sagot naman ni Mathias, binigyan niya ng isang matamis na halik si Mariel, ngunit pasimple niyang tinignan si Veronica, habang hinalikan

