Just Another Woman Chapter 32 2.2 "Bat hindi niyo pala kasama si Mommy?" takang tanong ni Rayford, namimiss na niya ang kanyang mommy. Kahit gustuhin man niyang makipagkita dito ay gumagawa ng paraan ang kanyang ama para hindi sila magkitang dalawa dahil pati ang kanyang mommy ay walang magawa. Kinokontrol din siya ng kanyang ama. Lagi siyang sinasabihan ng kanyang ama kung gusto niyang makita ang mommy niya ay kailangan ay umuwi siya sa bahay. "Masama ang pakiramdam nito kaya hindi siya nakasama. Siguro mas mabuti kung uuwi ka na sa bahay Rayford, para may makasama kami ng mommy mo." pagsisinunggaling na sabi ni Raymard. Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ng kanyang asawa na si Liza. Ayaw lang niya talaga isama ito dahil sigurado siyang kokontra ito sa gagawin nito kay Rayford.

