Just Another Woman Chapter 12 "Kabog na kabog ka naman Veronica! Ang sexy mo grabe." papuring sabi ni Vanessa, sa kanyang nakakabatang kapatid. "Maganda ba? 'Di ba pangit sa akin?" alalang sabi ni Veronica, habang nakatingin siya sa salamin. Tinitignan niya ang kanyang sarili. Suot na niya ang sexy white deep neck v-slit dress. Suot na rin niya ang tone color na 5 inches high heels. Samantala naka messy pony tail ang kanyang buhok. Suot niya rin ang simpleng white pearls earrings na ibinigay ng kanyang nanay noon sa kanya. Naalala niyang regalo ito ng kanyang nanay sa 18th birthday niya. "Oa mo Veronica! Ang ganda at sexy mo sa suot mo! Kinabog mo talaga ako na ate mo ah!" pabirong sabi ni Vanessa, habang nakatingin siya kay Veronica. "Ate Vanessa, maganda ka rin naman. Pero aminin

