Just Another Woman Chapter 6 2.2 Nakangiti lang nakatingin si Veronica, sa guwapong lalaking nasa harapan niya. Kahit kitang-kita niya na nahihirapan ito sa pagkakaupo dahil na rin sa puno ng pasahero ang jeepney na sinasakyan nila ngayon. 'Di niya maitatanggi na nasiyahan siya sa ginawa ni Rv. Alam naman niyang galante itong guwapong lalaking kasama niya ngayon. "Ano ngiti-ngiti mo dyan?" seryosong tanong ni Rv, kay Veronica. Hirap na hirap na siya sa pagkakaupo niya ngayon. Tumutulo na rin ang pawis niya sa mukha. Maari naman siyang bumaba na lang ngunit 'di naman niya ito gagawin. Dahil kasama niya ang magandang binibini nasa harapan niya ngayon na nakangiting nakatingin sa kanya. "Guwapo kasi ang kaharap ko ngayon. Ikaw lang yata ang nakita kong napakaguwapong nerd at sobrang h

