The Powerful Princess Last Chapter: War __________________________________ Third person POV Nakahanda na ang lahat. Makikita mo sa mga mukha ng mga magicians na desididong manalo sa digmaang ito. Ang lahat ay naaayon sa plano, kung saan pwepwesto, kung sino ang unang lalaban...lahat lahat, nakahanda na. Lahat sila naka-armor pero ang naiibang kulay lamang ay ang mga nasa harapan. Tanging tunog ng mga ibon at iba't ibang nilalang lamang ang naririnig. Sa sobrang katahimikan, maririnig mo na ang tunog ng hangin. Saktong alas dose ng umaga ng mag-invisible ang tatlong celestine at ng tatlong lalake saka rin ang pagdating ng mga kalaban. Si Dark king... Napapalibutan sya ng itim at pulang aura. Kung dati ay nakakatakot sya, ngayon ay mas nakakatakot siya. Ang langit ay nagsisimula n

