The Powerful Princess Chapter 59: Impostor __________________________________ Anica POV Nagising ako ng saktong 2 a.m. at agad nagbihis. Matapos iyon ay agad akong bumaba para magluto. Pagtapos ay pumunta ako sa kwarto ni Jessica Kumatok ako saka bumukas naman ang pinto at lumabas naman si Jessica na nakabihis na rin. "Tara, kumain muna tayo" aya ko sa kanya. Tumango naman sya saka kami pumunta sa kusina para kumain. Pagtapos ay agad akong bumalik sa kwarto at kinuha ang aking shoulder bag. Lumabas na ako sa aking kwarto at nakita ko si Jessica na dala na rin ang kanyang shoulder bag. Nagsitanguan lang kami saka nagteleport sa harap ng office ni HM. Si Jessica na ang kumatok at saka niya binuksan ang pinto. Pumasok na kami at nakita naming marami siyang ginagawa. Iniangat nya an

