The Powerful Princess Chapter 54: Black Dragon ____________________________________ Anica POV Heto na ang araw ng paligsahan. So far, maganda naman ang kinalabasan ng pagsasanay namin. Sa loob lang ng dalawang araw, naging malakas na ang mga beginners. Nagawa nila akong daplisan isa isa at natutuwa ako dun. Nandito ang lahat sa field dahil magsisimula na ang paligsahan. Lahat ay kasali dahil hindi pwedeng umayaw ka, iyon ang utos ni HM. Pinagsama ang bawat section at magkahiwalay sa pila ang babae at lalake. Si Cassandra ang nasa dulo ng pila ng babae dahil siya ang matangkad saamin. Ako man ang matanda pero siya talaga ang matangkad saamin. Ako naman ang pangalawang nasa dulo habang nasa harapan ni Jessica si Ella na nasa harapan ko. By height kasi ang pila at sadyang si Ella ang pin

