The Powerful Princess Chapter 52: Scared ____________________________________ Anica POV Malapit ng matapos ang isang buwan at wala namang masyadong nangyari tulad ng mga kaguluhan. Aaminin ko, may mga nangyari nitong mga nakaraang araw at iyon ay ang mga bagay na bago lang sa paningin ko kaya ayoko na alalahanin. Tulad na lamang ng laging pag-alis ni Ella na hindi ipinapaalam saamin kung saan siya pupunta tapos magugulat na lamang kami pag-uwi niya may malawak na ngiti sa kanyang labi. Minsan naman ay nahuhuli ko silang magkasama ni Delixean kaya tinatanong ko kung bakit sila magkasama at ang lagi lang naman niyang sagot... "May hiniram lang sya" Tinanong ko rin siyang "Ano?" Sasagot naman siya ng "Libro" Kahit na nagtataka ako sa paningin niya, alam kong nagsisinungaling siya.

