The Powerful Princess Chapter 47: Unexpected Attack ____________________________________ Someone POV (1) / Dark King POV "Tawagin mo na ngayon ang dalawa" sabi ko sa kawal ko na sinunod naman niya agad. Tumingin ako sa katiwala ko. "Ngayon mo na ba sila ipapasugod?" tanong niya. "Hindi ko alam sa kanila. Nasa kanila na iyon kung kelan sila sumugod basta bigyan lang nila ako ng magandang balita!" sabi ko at umupo saaking trono. "Ano po ang maipaglilingkod namin saiyo, kamahalan?" Tumingin ako kay King Bee at Mosquiboy "Gusto niyo bang makilala kung sino ang pumatay sa inyong mga asawa?" nakangising sabi ko dahilan makita ko ang kanilang galit. Ganyan nga...HAHAHAHAHA! "Tinatanong pa ba yan kamahalan? Hindi na kami makapaghintay na makilala siya" may galit na sabi ni Mosquiboy.

