Tatlong araw nang hindi umuuwi si Axel sa kanyang condo. Si Manang Amelia ay nangungunsumi na dahil tatlong araw na rin niyang hindi makontak si Margot. Ang huling tawag nito sa kanya ay noong lumabas ito upang maglakad-lakad sa Park malapit sa condo. Halos hindi na siya makampante dahil kahit ang kanyang boss ay hindi niya makontak maging ang private number nito. Nang araw na tumawag si Margot sa kanya ay hindi niya ito nasagot. Nagtanong-tanong siya sa Park ng mga araw na iyon kung may napansin silang buntis na naglalakad doon, may nakapagsabi sa kanya na mayroon umanong buntis na itinakbo sa hospital. Hula niya si Margot iyon kaya ito tumawag sa kanya. Naalala niya si Nikko ang assistant ni Axel. Mabilis ang mga galaw na tinungo niya ang kinaroroonan ng telepono, dahil naroon ang mga number ng mga importanteng tao na pwede niyang tawagan in case of emergency.
Isa, dalawa, hanggang nakaabot ng panglimang ring bago may sumagot sa tawag niya. Nakahinga nang maluwang ang matandang kasam-bahay.
"Hay naku, satisima naman iho. Bakit hindi ko man lang makontak si Sir Axel. Ano ba ang nangyari sa inyo at hindi kayo nakauwi."
Napasapo sa ulo na palahaw ng matanda.
"Bakit po manang? May problema po ba?" halatang nagtatakang tanong ni Nikko sa kanya mula sa kabilang linya.
"Kasi sir, tatlong araw nang hindi nakauwi si Margot. Hula ko nanganak na ang batang iyon. Kasi ang huling tawag niya sa akin two days ago na po." pagbalita niya rito.
Saglit na nawala sa linya si Nikko. Pagbalik niya agad na siyang nagpaalam sa matanda.
Sa kabilang dako. Nakasukbit ang bag sa balikat ni Margot nang palabas na siya hospital. Kalong-kalong ang kanyang sanggol na anak. Masaya siyang lumabas ng hospital. Hindi siya makapaniwala na gano'n ka bait ang babaeng tumulong sa kanya sa Park, dahil maging ang kanyang hospital bills ay sinagot na nito.
Napatingin siya sa daan na medyo crowded na dahil oras nang labasan ng mga trabahante. Dahan-dahan ang kanyang ginawang paglakad patungo sa may stop light. Binalot niya ang kanyang anak upang hindi ito maalikabukan. Sa mga oras na iyon natutukso siyang huwag nang umuwi sa bahay ni Axel. Ngunit ang isiping wala siyang matutuluyan at sa sitwasyon niya ngayon parang napanghinaan na siya. Nakaupo siya sa may bus stop upang mag hintay ng bus papuntang Makati. Isang sakayan lang ang papunta sa condo ni Axel sa Roxas Street kaya hindi na siya masyadong mahirapan. Kung didiretso siya sa apartment ni Trisha tatlong sakayan pa mula sa kinaroroonan niya. Nakahinga siya nang maluwang ng matanaw sa malayo ang papalapit na bus. Mahigpit niyang ni yakap ang kanyang anak na parang takot siyang mabitawan ito.
Halos kinse minutos siyang nakaupo roon. Nang sa wakas papalapit na ang bus sa kanyang kinaroroonan. Isang white Mercedes Benz naman ang biglang huminto sa kanyang harapan. Hindi niya iyon pinansin, dahil nasa bus nakatuon ang kanyang mga mata. Ngunit napamulagat siya nang tumambad sa kanyang harapan si Nikko, ang assistant ni Axel. Mayamaya, bumukas ang bintana ng sasakyan. Iniluwa ng gwapong mukha ng dating actor.
"Get in!"
Agad na nakaagaw ng pansin sa mga nakatabi niya ang gwapong mukha ng lalaki.
"Oh my god! Si Axel Soriano iyan hindi ba?" narinig niyang sambit ng isang teenager na nakatayo sa tabi n'ya .
"Let's go, Margot. Dahil delikadong magtagal si Axel dito." inalalayan siya ni Nikko papasok sa sasakyan. Marami ang nagulat sa nasaksihan. Mabuti na nga lang at walang nakaisip na kumuha ng pictures sa kanya dahil natuon ang pansin ng lahat sa lalaki.
Pero wala nga ba? Nag-aalala n'yang tanong sa isip.
Tahimik siyang nakaupo sa tabi ng lalaki. Hindi man lang nito sinilip ang mukha ng kanilang anak. Napahalukipkip siya sa tabi akap-akap ang kanyang anak.
"Saan balak mong pumunta? Tatakas ka na naman ba?" untag nito sa nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan.
Umarko ang kilay niya.
"Saan pala sa paglagay mo?" balik niyang tanong dito.
Nilingon siya nito, ngunit mabilis siyang yumuko at itinuon ang pansin sa kanyang anak. Dahil nakatabon ang mukha ng bata kaya alam niyang hindi nito makita ang maliit na mukha ng kanilang anak.
Nagulat si Margot nang hinawakan nito ang kanyang braso.
Napatingin siya sa mukha nito.
"Give it to me." utos nito sa kanya.
"Her, Axel. Babae ang anak ko." mariing sagot niya.
"Anak natin. Dahil anak ko rin siya." pagtatama nito sa sinabi niya.
Dahan-dahan niyang inilapit dito ang bata. Maingat naman nitong kinuha sa kanya.
Napakaliit tingnan ng kanilang anak na nasa mamasel nitong braso. Nakita niya ang masayang mukha ng lalaki habang hinahaplos nito ang maliit nitong mukha.
"She looks like me." bulong nito na nagpangiti sa kanya. Totoong kamukha nito ang bata. May makapal na parang kinorte na kilay. Ang mamula-mulang kutis nito maging ang labi ni Axel na hugis puso ay nakuha ng bata.
Sana matatanggap na siya ni Axel ngayong nahawakan na nito ang kanilang anak. Sana magbago na ito ng pakikitungo sa kanya. Lihim na panalangin ni Margot habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ama.
Pagdating nila sa condo ni Axel agad namang sumubong si manang Amelia na malapad ang ngiti habang nakatingin sa sanggol na kalong-kalong n'ya.
"Napakagandang bata." puri nito sa anak niya.
"Maraming salamat po manang." nakangiti niyang sagot.
Dumeritso s'ya sa isang kwarto na siyang inuukupa n'ya noon. Pinaayos iyon ni Axel upang maging kwarto ng kanilang anak. May isang magandang crib sa tabi. Nagulat siya sa bagong ayos ng kwarto dahil ang kama na ginamit niya noon ay wala na sa kwarto. Kaya ang mangyayari ay baka sa sofa siya matutulog. Napabuntong-hininga siya. Para namang nabasa ni Manang Amelia ang kanyang iniisip.
"Iha, gusto mo bang kunin ko sa storage ang isang single bed doon? Para naman makahiga ka ng maayos dahil mahirap na at baka mabinat ka pa." alok ni Manang Amelia sa kanya. Ngunit parang hindi siya sang ayon sa suhestiyon nito dahil walang sinasabi si Axel sa kanila. Bagkus pinatanggal pa nito ang bed na ginagamit niya. Napahinto siya at napa-isip.
"Okay lang po ako, Manang. Huwag po kayong mag-alala sa akin. As long as makakasama ko ang aking anak ayos lang kahit saan ako matutulog." sagot niya sa nag-aalalang matanda.
Napabuntong-hininga nalang ang matandang kasambahay. Walang silang magawa dahil kahit sa Amelia mismo hindi maintindihan ang takbo ng isipan ni Axel. Dinala niya ang kanyang mag-ina rito ngunit bakit nito pinatanggal ang kama na hinihigaan ni Margot noon bago ito nanganak. Napailing na tinapik niya ang balikat ni Margot saka nagpaalam na uuwi.
NAGTATAKA si Margot kung bakit hindi man lang nagpakita si Axel sa kwarto ng bata mula nang dumating sila sa bahay nito. Sa mga ginagawi ng binata nakaramdam ng kaba si Margot. Mangyayari na ba ang kanyang kinakatakutan? Kinilabutan s'ya sa isiping iyon.
Kahit hindi siya sanay mag-alaga ng sanggol ay sinikap niyang maalagaan ng maayos ang kanyang anak. Pinalitan niya ito ng diaper saka tinimplahan ng dede. Kung s'ya ang masusunod, mas gustuhin n'ya na sa kanya sana dum*d* ang kanyang anak kesa sa bote. Hindi n'ya nga lang kinuwento kay Axel na halos dalawang araw na sa kanya dum*d*d* ang kanilang anak. Hindi n'ya maintindihan ang takbo ng utak nito.
Nang makatulog nang mahimbing ang kanyang anak agad siyang nagtungo sa banyo upang ipalabas ang ibang gatas sa kanyang dibdib dahil para na s'yang maiiyak sa sakit na naramdaman. Masyado na iyong malaki. Sabi pa nga ng doctor na nagpaanak sa kanya na maswerte umano ang kanyang anak dahil sagana ito sa gatas na nagmumula sa kanya. Napapikit si Margot. Tatanggapin nalang ba n'ya ang kanyang masakit na kapalaran sa piling ng kanyang iniidolo? Masyado na ata s'yang nagpakamartyr dito. Kahit naman siguro hindi sila titira sa condo nito ay kaya n'yang palakihin ang kanyang anak... Kahit walang ama na katulad n'ya? Papayagan ba n'ya iyon?
Halos kalahating oras din ang pamalagi n'ya sa loob ng banyo bago s'ya nagdesisyon na lumabas. Simpleng pajama lang ang kanyang suot. Malaki ang kanyang dibdib dahil may towel s'yang inilagay para hindi mabasa ang kanyang damit. Mahirap dahil bago ito para sa kanya. Walang nagtuturo kung ano ang kanyang gagawin. Hindi n'ya napigilan ang pagngilid ng kanyang mga luha. Awang- awa s'ya sa kanyang sarili dahil sa maling desisyon n'ya sa buhay.
Kasalukuyan siyang nasa kusina. Naghahanap ng pagkain. Nakatayo s'ya sa lababo habang isinusubo ang konting kanin at menudo na niluto pa ni Manang Amelia kanina. Konti lang ang kanyang kinain dahil pakiramdam n'ya mas lalong kumikirot ang kanyang dibdib kapag marami s'yang kinain na kanin.
Habang abala s'ya sa pagkain. Dalawang matalas na mata ang matyagang nanonood sa kanya. Hindi mawari kung ano ang laman ng isipan nito.
Itutuloy...