(AUTHOR'S POV)
Last night nag-swimming ang binata dahil hindi siya makatulog. Habang nagbabad siya sa pool may napansin siyang babae sa terrace nang bahay nila Brainy na nakatingala sa maliwanag na buwan at ang kumikislap na mga bituin. Hindi niya lang masyadong mamukhaan ang babae pero may mahaba itong buhok at para tuloy isa itong diwata sa ilalim ng buwan.
Umahon siya sa tubig at pinunasan ang sarili ng tuwalya. Narinig niyang nagbangayan ang babae at si Brainy. Hindi niya nga lang alam kung ano ang pinag-uusapan nito. Kaya naisipan niya nang pumasok sa loob.
(ANGELA POV)
Nag- jogging ako mag-isa at saktong nakita ko si JJ na najogging rin.
"Hi Angela!" Tawag niya at pawisan na ito.
"Hello JJ." Nahihiya kong pansin sa kanya.
"Where's Brainy?" Palinga-linga siya.
"Nasa bahay naglilinis." Tugon ko sa kanya.
"Pumunta kayo mamayang gabi sa bahay nina pinsan may birthday party." Saad niya.
"Naku nakakahiya naman hindi kami belong doon." Nahihiya kong sabi.
"Huwag na kayong mahiya always naman invited ang pinsan mo." Aniya at pinunasan ang mukha ng face towel.
"Sige susubukan ko. Ngunit, hindi ko maipapangako ha?" Tumango lang siya.
"Mauna na ako sayo ha? May ipapagawa pa sa akin si tita." Aniya at tumango lang ako at bumalik sa bahay nila.
Binalita ko sa aking pinsan ang paanyaya ni JJ na kinasigla niya ng bongga. Nagaganahan siya sa paglilinis. Tinulongan ko siya para matapos ng mabilisan.
Kinagabihan ay abala na siya sa kanyang sarili.
"Pinsan samahan muna ako please..." Ani ng aking pinsan na nakabihis na suot nito ay formal attire.
"Ayaw ko nakakahiya. Saka si JJ lang naman nakakilala sa akin doon." Ani ko na nakadungaw sa bintana. Marami ng mga bisita ang dumating at kapwa sila naka business suit at ang iba ay naka sexy dress.
"Pinsan inimbitahan karin ni JJ kaya kasama ka." Aniya at panay ang pagharap sa malaking salamin.
"Wala akong masusuot." Simple kong tugon.
May napansin ako na mga kapwa kalalakihan na nagkukumpulan sa tabing pool. Same sila ng mga suot. Lahat sila nakaitim at ang iba ay papasok pa lang sa gate. 'Mga dancer ba sila?' naitanong ko sa aking isipan.
"Pinsan kanina ka pa nakaharap sa salamin. Halika nga dito may ipapakita ako sayo."
"Ikaw nga kanina ko pa sinasabihan na magbihis na-." Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil hinila ko siya papunta sa bintana.
"Ouch!" React niya.
"Parang hinila lang may pa ouch pa eh hindi naman masakit ang paghila ko." Atungal ko.
"Ano ba kasi ang ipapakita mo sa akin?" Naiinis niyang tanong.
"May show ba sa kanila? Parang may mga dancers. Dancers ba sila?" Tinuro ko sa kanya ang nagkukumpulan. Nakatuon ang kanyang mga mata sa tinuro ko.
"Wow daming fafas ngayong gabi, bongga!" Masaya niyang sabi.
"Landi mo rin ano? ang tanong ko mga dancers ba sila?" Naiinis kong balik tanong sa kanya.
"Iwan siguro wala akong alam." Aniya at bumalik ulit sa salamin.
"Sige na pinsan samahan muna ako may dress ako diyan na nabili ko sa ukay-ukay sa may aparador."
"Wow ha bumili ka pa talaga ng dress, ayos!" Mukhang wala na talagang siyang pag-asa na magiging tunay na lalaki.
"Syempre pangarap ko ang maging fashionista!" Aniya at nagrampa siya at sinadyang nakabreast out.
"Akala ko beauty queen." Wala akong choice kundi sumama na lang sa kanya bored din naman ako dito dahil kami lang dalawa sa bahay. Tapos maiwan ako mag-isa kaya much better ay sumama na lang sa gaganaping birthday sa kapit-bahay.
Binuksan ko ang aparador at kinuha ang nakahanger niyang dress. Kulay asul ito sleeveless. Simple at hindi siya daring kaya okay narin ito. Salamat dahil above the knee lang ang haba.
"Bongga pinsan! Lalo kang gumanda at fit sa katawan mo. Kitang-kita ang magandang shape ng iyong beywang. Perfect! alam mo mas gaganda ka pa kung malaki ang dibdib mo. kaso wala ka pang dibdib." Malandi niyang sabi.
"Hindi pa nga ako nagdadalaga. Gusto mo agad lalaki ang dibdib ko?!"
"Oh siya ayusin na natin ang buhok mo." Pag-iwas niya at sinuklayan niya ang aking buhok na abot sa aking pwetan.
Nakalugay lang ang aking buhok at nilagyan niya ako ng hairpen malapit sa aking tainga para hindi matakpan ang aking mukha. Nagsuot lang ako ng flatshoes at naglagay ng kunting perfume sa aking sarili. Naglip-gloss lang ako at nagpolbo ng kunti.
Bumaba na kami at sinarhan ang bahay. Pagdating namin sa gate ng aming kapit-bahay ay pinapasok kami agad ni manong guard ng makilala niya ang malandi kong pinsan na nagrampa siya papasok.
"Haisst sana hindi ako mapapahiya dito." Nawika ko sa sarili na sapat lang na marinig ng aking pinsan.
"Shunga! Baki't ka naman mapapahiya?" Aniya ng nilibot tingin ang paligid.
"Nahihiya kasi ako para talagang hindi tayo nararapat dito eh." Napoproblema kong banggit. Parang kakaiba ang nararamdaman ko ngayon.
"Belong tayo dito at relax ka lang." Aniya pero ang mga mata doon sa mga lalaking halos naka-itim. 'Parang may lamay.' Bulong ng aking isipan.
Nakita kami ni JJ at nilapitan niya kaming dalawa.
"Mabuti naman na pinaunlakan ninyo ang aking paanyaya." Nakangiti niyang bungad.
"Good evening Angela. You look elegant tonight!" Nakangiti niyang komento sa akin. Kinilig naman ako sa kanyang sinabi.
"Saan ba si Andrie?" Tanong ni pinsan ng nilibot ang tingin sa paligid.
"Nasa loob. Ayyy...hayan na pala oh lumabas na..." Turo ni JJ at nakita ko kung paano ngumiti ang pinsan kong bakla.
Sinundan ko ang tinuro ni JJ at nakita ko ang lalaki na wala kang mababasang emosyon sa kanyang mga mata. Maangas itong manamit at magulo ang buhok. Kung hitsura ang babasehan ay kung gwapo si JJ at ibang kalalakihan dito ay ang taong ito ubod ng kagwapohan. Kahit hindi nadaanan ng suklay ang kanyang buhok ay lumulutang parin ang kagwapohan nito. Matangos ang ilong, matangkad, at...wait... para siyang pamilyar. Parang nakita ko na siya dati? Tanong ko sa kailaliman ng aking isipan.
"Pinsan iyan si Andrie ang sinasabi ko sayo. Diba sobrang gwapo?" Bulong nito sa akin tainga.
"Pangit niya." Wala sa linya kong banggit. Tinaasan ako ng kilay ng aking pinsan.
"How dare you? Siya pangit?" Turo niya sa kanyang crush.
"Ang gwapo kaya niya!" Tinarayan niya ako at buti na lang hindi kami naririnig.
"Maiwan ko muna kayo Brain, may aasikasuhin lang ako sa loob. Enjoy the party." Saad niya at umalis na si JJ.
Lumapit ang sinasabing Andrie ni pinsan sa mga nagkukumpulan na mga lalaki. Tumayo ang mga kalalakihan at niyuko ang mga ulo ng makalapit ito sa kanila. Pagkatapos ay naupo na sila. "Baki't kaya niyuko nila ang kanilang mga ulo?" Curios kong usal sa sarili.
"Bilang pagrespito nila kay Andrie. Ganyan talaga ang mga japanese lalo na sa mga nakakataas sa kanila." Tugon ni pinsan na nakatingin sa kinaroroonan ng mga lalaki.
"Japanese, you mean isa siyang japanese?" Nagtataka kong usisa.
"Half siya ang kanyang mommy ay filipina." Malanding banggit ni pinsan. Tumango lang ako at ilang minuto ang nagdaan tumayo si Andrie upang sa pag-entertain sa kanyang mga bisita. Nakipag-kamay siya sa mga ito at lumapit siya sa amin ni pinsan.
"Good evening! Welcome to my party." Buo ang boses nito at parang pamilyar talaga siya...Nagshake hands silang dalawa ni pinsan at ang pinsan ko sinadya niyang higpitan ang pagshake hands nilang dalawa.
Tiningnan ako ni Andrie na para bagang may pagtataka. Binitawan ni Andrie ang kamay ng malandi kong pinsan. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Andrie.
"You look so familiar? Hindi ko lang matandaan." Aniya sa malamig na tono.
"Common na itong pagmumukha ko." Mapakla kong tugon. Kakaiba kasi ang mga titig niya na para bagang kinikilatis ako nito.
"Enjoy." Plain niyang sagot at iniwan kaming dalawa. Lumingon ito saglit sa akin at bago nagpatuloy sa pagharap sa kanyang mga bisita.
Nagsikainan na at halos hindi ko malamon ang inihanda nilang pagkain. May japanese food at merun ding filipino food. Nagletchon din sila at at habang abala ang lahat na kumakain sa kanya-kanyang mesa. Maliban sa isang mahabang mesa na kung saan nakaupo ang mga lalaking halos na nakaitim. Nasa gitna nila si Andrie. Feeling ko sa tuwing sumusubo ako ay parang may nakatingin sa akin sa paligid.
Nang hinanap ko ay wala naman akong nakikita. Nawalan tuloy ako ng gana kasi parang sa tuwing gusto kong lamunin ang pagkain ay parang gusto kong masuka na iwan.
"Hey okay ka lang Angela?" Nag-alalang tanong ni JJ sa akin.
"A-Ah oo." Sagot ko. Magkasama kasi kami sa iisang mesa kumakain.
"Kanina pa kita napapansin na hindi mo nagagalaw ang iyong pagkain at palinga-linga ka."
"May sakit ka ba pinsan?" Sabat ni pinsan.
"Wala okay lang ako."
"Hindi ba masarap ang mga pagkain?" Aniya na isa-isang tiningnan ang mga pagkain.
"Na-Naku hindi ang totoo sobrang sarap ng mga pagkain. Kaso...iwan nawalan ako ng gana bigla. Sorry..." Nakayuko kong paliwanag .
"Wala iyon. Gusto mo ba juice na lang?" Aniya na gusto akong alokin ng juice.
"Yes please!" Nakangiti kong sagot. Tumayo ito at may bigla ring lumapit sa amin na isang matangkad na lalaki.
"Brainy. Kumusta na?" Cool nitong tanong at naupo sa bakanteng upuan.
"Okay lang! Ikaw lalo kang naging macho." Sexy nitong puri. Habang maarteng nakahawak sa tinidor at kutsara at saka kumuha ng laman ng letchon na nakalagay sa pinggan sa kanyang harap.
"Brain, ayaw mo ba akong ipakilala sa bata mong kasama na Cute?" Umigting ang aking tainga sa kanyang sinabi.
"Hindi ako bata." I murmured. Tumawa ito bago sumagot si pinsan.
"Diego, siya ang mataray kong pinsan. Si Angela." Malanding tapik ni pinsan sa aking braso
"My cousin ito si Diego The Second." Maarte niyang pakilala.
"I see. Mataray nga siya..." Ngisi niya at saktong dumating si JJ.
"Angela here's your juice." Sabay lapag niya sa mesa.
"Thank you J."
"JJ, masyado kang gentleman!" Tapik ni Diego sa balikat ni crush ng makaupo.
"Baki't ngayon ka lang nakarating?" Pag-iba sa usapan nila at umayos sa pag-upo.
"May hinatid lang akong babae." Ngisi nito.
"Naglalaro ka na naman ng apoy." Mahinhinin na banggit ni JJ. 'Naglalaro ng apoy?' curios kong tanong sa aking isipan.
Nagpatuloy na kumain si crush bago magsalita si Diego.
"Alam mo JJ tularan mo ako dahil masarap ang makatikim ng langit." Ngisi nito.
"Diego bunganga mo. May teenager tayong kasama." Saway ni pinsan sa kanya. Ngumisi itong nakatingin sa akin. 'Bakit ba ang taong ito ay panay ngisi?' Naiirita kong tanong sa isipan. 'Masarap ang makatikim ng langit?' Usal ng aking utak. 'Ano ba ang ibig sabihin nun? Baki't pinagbawalan akong makarinig. Bastos ba iyong tinutukoy ng Diego na ito?'
"De Guzman, may tamang lugar at oras ang pagsasabi ng ganyan. Huwag dito..." Saway din ni JJ at nagpatuloy sa pagkain.
"Okay sorry...kukuha lang ako ng pagkain." Tumayo ito at pumuta sa mga caters ng pagkain.
"I'm sorry doon kay Diego. Ganoon na talaga iyon kadaldal."JJ slightly smiled.
"Masasanay ka rin pinsan!" Saad ni pinsan. .