Giovanni- 20

1644 Words

Matapos maisakay sa likod ng kotse ang mga gamit ng asawa, umikot na s’ya pasakay sa driver’s seat. Nauna nang sumakay ang asawa kanina. Tahimik ito at walang kakibo-kibo. Hindi rin ito kumain kahit sinabi n’yang kumain na muna ito. Nagmatigas pa rin ito at hindi kumain. Naghu-hunger strike ang asawa n’ya dahil sa matinding selos nito kay Abby. Kung bakit naman kasi nagkataon pang nakita sila ng asawa sa coffee shop kanina. "Dumaan muna tayo sa mall or resto para makakain ka," sabi n’ya kay Iya na sa labas ng bintana nakatingin nang sulyapan ito. Wala s’yang narinig na sagot mula sa asawa. Alam n’yang galit pa rin ito at nasasaktan din s’ya kahit papaano. Nakokonsensya s’ya, dahil sa kanya nagkakaganyan ang asawa n’ya, dahil sa matinding pagseselos nito kay Abby. Na hindi naman dapat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD