Buong maghapon nalang ata na ganito ang magiging trabaho ko. Nakatunganga habang wala naman ginagawa ng dahil wala si Sir Anthony. Habang ang kakambal nito ayun at nakatambay lang din sa loob ng office. Ganito nalang ba ako araw-araw? Habang wala ang president ng kumpanya? Hanggang kaylan naman kaya? Mababaliw ako sa tahimik at walang ginagawa. Napabuntong hininga habang nilalaro ang akong notebook habang tinutuldukan iyon. Habang nakaupo nakaramdam rin ako ng gutom kaya naman nagpasya muna ako umalis para tumungo sa canteen para naman magkape muna roon habang wala naman ginagawa. Bagot na bagot na ako, nakakapraning na ang walang ginagawa. Ayoko naman pumasok sa office ni Sir Anthony at duon magkape. Unang-una ayaw ko makita si Allan. Pangalawa, umiiwas nga ako at ayoko na maalal

