Banayad at kalmado ang umagang gumising sa akin. Papasikat pa lang ang araw mula sa asul na kalangitan hudyat na maaga pa. Presko ang simoy ng hanging galing sa dagat na pumapasok sa nakabukas na glass door sa aming kwarto. Mula rito ay dinig rin ang kalmadong tunog ng alon ng dagat. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Tuwing umaga ay binabati ako ng payapang kapaligiran tulad nito. Kahit malamig ang hangin sa maagang maaga ay komportable pa rin ako dahil sa init na binibigay ng yakap ni Matt sa akin. Ngayon ay napagdesisyunan kong gumising nang maaga. Bibisita kasi mamaya ang mga kaibigan ni Matt kaya balak kong pumunta nang maaga sa palengke para mamili ng mga ilalahok sa aking mga lulutuin. Nagpunta muna ako sa kusina at nagsimulang magbrew ng kape. Mahilig sa kape si M

