CHAPTER 21

2882 Words
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata mula sa mahimbing na pagkakatulog. Banayad pa ang liwanag na makikita mula sa bintana na nagpapahiwatig na maaga pa. Natatakpan ang aking hubad na katawan ng puting kumot. Paglingon ko sa aking tabi ay tanging unan nya lamang ang naroon. Habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko mapigilang mag init ang pisngi nang maalala ang nangyari sa amin kagabi. Nakatulog na ako rito dati ngunit kusang gumuguhit ang ngiti sa aking labi dahil sa kakaibang sayang nararamdaman ng aking puso. Bumangon na ako at naramdaman ang hapdi sa aking ibaba. Pinilit kong labanan ito at tumayo na dahil alam kong kailangan ko na ring gumayak pauwi. Bigla ko tuloy naalala na hindi rin ako nakapagpaalam kina Mama kahapon. Hindi ako sigurado kung ipinagpaalam ako ni Berna. Masyado akong nadala ng nararamdaman ko para kay Sir Matt kahapon kaya naman unti unting nabubuo ang aking pag aalala lalo na't sumasambulat sa akin ang realidad. Inayos ko ang kama at napansin ang nakahandang damit at tuwalya sa bedside table. Mayroon itong kasamang maliit na card na aking kinuha, "Good morning, my Love," Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mukha. Kinuha ko na ang tuwalya at damit at dumiretso na sa banyo upang maligo. Tulad dati ay may nakahanda ng maligamgam na tubig sa bathtub. Maliliit na bagay lamang ngunit napapawi ang pangamba sa aking puso dahil sa pagiging maalala nya. Nang makapag ayos na ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto at sumambulat sa akin ang mabangong amoy ng kanyang niluluto. Mistula akong naestatwa sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan syang naghahain ng pagkain sa mesa. He's topless and is only wearing a jogger pants kaya naman hindi ko mapigilang mag init ang mga pisngi habang inaalala ang katawang umangkin sa akin. "Elle?" aniya "Huh?" He smirked playfully. Mukhang kanina nya pa ako tinatanong at nahalata nya yatang wala ako sa sarili at pinagpapantasyahan sya. "Why is my girl so red?" magiliw nyang sabi habang ikinulong ako sa kanyang mga bisig. Tila malulusaw naman ako dahil sa init na nararamdaman. Banayad na dumampi ang kanyang mga halik sa aking noo. Nang iangat ko ang aking mukha upang tignan sya ay sumalubong sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Agad na dumapo ang aking paningin sa kanyang mapupulang labi. Kusang napaawang ang aking labi at hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at gustung gusto ko syang halikan. Unti unti ko nang ipinikit ang aking mga mata "Let's have our breakfast. Ihahatid na kita sa inyo pagkatapos," Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Agad akong nagmulat ng mga mata. Pulang pula ako sa sobrang pagkapahiya! Ako pa tuloy ang nagmukhang nagaanyayang may mangyari sa amin sa pagkakataong ito. Ipinaghila nya ako ng upuan at saka ako naupo. Umupo na rin sya sa aking tapat at sabay kaming tahimik na kumain. Nagkusa na akong maghugas ng mga kinainan para makaligo na rin sya. Tahimik pa rin kami sa loob ng sasakyan. Habang nagmamaneho, nakahawak ang isa nyang kamay sa akin habang pinipisil ito. Samantalang ako ay salitan ang tingin sa daan at sa kanya. Ang daming gumugulo sa isip ko. Ano ba kami ngayon? Sinabi nya na mahal nya ako at nagsiping kami. Pero bakit ang tahimik nya? Hindi ba dapat sabihin nya na magnobyo na kami? Ano kaya ang iniisip nya? Kanina lang, umiwas syang halikan ako. Nabigla lang ba sya kagabi? Aalis pa rin ba sya sa ibang bansa? Wala pa akong nakarelasyon kaya unang beses lahat ang nararanasan at nararamdaman ko. Kaya naman naguguluhan ko kung ano ba dapat ang sabihin o gawin ko. Hindi malinaw sa akin kung ano ang magiging sitwasyon namin. Ngayong unti unti kong napagtatanto ang aking mga katanungan, nagsisimula ulit akong mag alala. Paano ko sasabihin ito kay Mama? Matatanggap kaya nya? "Is there anything wrong?" saglit nyang inalis ang tingin sa daan para pagmasdan ako ngunit agad ding ibinalik sa daan. Tatanungin ko ba sya? Siguro oo para maging malinaw ang lahat. Pero di kaya magmukha akong naghahabol? Umiling ako, "Wala," Napansin kong muli syang tumingin sa akin ngunit itinuon ko na lang ang pansin sa daan. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa aming bahay. Gumayak na ako para bumaba ng sasakyan at nagpaalam na sa kanya "Mauna na ako, salamat," Tumango sya. Hindi ko alam kung ganito ba talaga sya o di kaya'y hindi rin sya sigurado sa akin. Unti unting namamait ang aking pakiramdam kaya pinili ko nang tumalikod upang makababa na. "Elle," hinila nya ang aking braso at ikinulong ako sa kanyang yakap. Idinampi nya ang mga banayad na halik sa aking noo at pisngi. "I love you," Unti unting namumuo ang luha sa aking mga mata. Sa totoo lang ay hindi ko sya maintindihan. Pakiramdam ko ay wala pang kasiguruhan ang aming sitwasyon. Ngunit sa tuwing nakikita ko ang kanyang nangungusap na mga mata at sa tuwing sinasabi nyang mahal nya ako, napapanatag ang kalooban ko. Tumango ako "Keep your phone next to you. Magpahinga ka muna. I will be texting you from time to time. It's okay if you are not able to respond easily. But please respond when you are able. Call or text me if you need anything, okay?" "Okay," tugon ko Sinamahan nya ako hanggang sa makarating sa pinto "Anak, Matt," bati ni Mama na mukhang nakahanda nang pumunta sa tindahan Nagmano ako kay Mama. "Good morning po," bati ni Sir Matt at nagmano rin kay Mama "Salamat sa paghatid dito kay Elle. Nagpaalam nga sa akin si Berna kahapon na mag oovernight daw sa kanila si Elle bago sila maghiwahiwalay para sa bakasyon," Tumango naman si Sir Matt. Samantalang ako ay agad na nakonsensya. Paano ko ba sasabihin kay Mama ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Sir Matt? "Elle, Anak, mauna na ako sa tindahan. Bantayan mo muna dito ang kapatid mo," "Opo," tugon ko "Ihatid ko na po kayo sa tindahan," alok ni Sir Matt "Baka nakakaabala ako sa 'yo Hijo," "Hindi po, Mama. Este, Tita. Pareho lang naman din po sa dinadaanan ko," Pumayag na rin si Mama at sabay na silang umalis ni Sir Matt. Pinilit kong aliwin ang aking isip at kalooban sa pamamagitan ng paglilinis ng bahay. Nagluto na ako kaagad ng ulam at nagsaing na rin. Tinapos ko na rin ang paglalaba ng mga damit. Bago magtanghalian ay nagtungo na kami ni Ading sa aming tindahan bitbit ang pagkain. Pagkarating ay nadatnan kong abala si Mama sa mga kustomer kaya agad na rin akong tumulong. Akala ko ay dahil marami lang kustomer kaya tahimik at seryoso si Mama, ngunit kahit ngayong kumakain kami ay tila napakaseryoso nito. Habang nagliligpit ng kinainan ay lumapit sa akin si Mama "Sigurado ka na ba kay Matt, Elle?" Natigilan naman ako sa tanong ni Mama, "P-po?" "Ipinagtapat sa akin ni Matt na mahal ka raw nya at humihingi ng aking basbas sa inyong relasyon," "Alam kong malaki ka na, pero gusto kong tiyakin mong mabuti na mahal nyo nga ang isa't isa," "Sana ay natuto ka na sa amin ng tatay mo. Galing sya sa mayamang pamilya at alam mo naman na hindi nya tayo nagawang ipaglaban sa kanyang pamilya," "Marami kang pangarap sa buhay. Ayokong sapitin mo ang aking sinapit at mabigo ka," "Kung mahal ka nya talaga, dapat patunayan nya," Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ni Mama. Pinoproseso ko ang bawat narinig. Tila nabura ang aking mga tanong nang malamang humingi ng basbas si Sir Matt kay Mama para sa aming relasyon. Ngunit nakakaramdam ako ng pag aalala kung hanggang saan nya ako kayang ipaglaban gayong hindi pa pumapayag si Mama Gusto ko mang sabihin kay Mama ang aking nararamdaman, tila napipi ako dahil sa takot na magalit sya at lalo akong ilayo kay Sir Matt. Ilang sandali matapos ang tanghalian ay iyon pa rin ang aking nasa isip. Pareho kaming abala ni Mama sa mga mamimili nang mapukaw ang aming pansin, "Ang pogi naman!" tili ng ilang mga namimili Bumilis ang t***k ng aking puso nang makita si Sir Matt na papalapit sa amin. He's wearing a white polo shirt and khaki shorts with his shades. "Good afternoon po," bati nito kay Mama Nagulat naman ako sa pagsusungit ni Mama, "Nagtatrabaho kami dito. Kung gusto mo lang pumorma, umalis ka dito. Nakakaabala ka," "Ma," sabat ko. Ngunit tumiklop din ako nang pandilatan ako nito ng mata "Uh, Tita, naiintindihan ko po. Kaya po ako nagpunta ay para tumulong at... para po sa inyo," Inabot nya ang isang bouquet ng rosas mula sa kanyang likod at inabot kay Mama. Natigilan naman si Mama at tila nagmamatigas pa "Mother, tanggapin mo na! Kawawa naman si pogi!" "Sige Mother, kapag hindi mo tinanggap yan, lilipat kami sa ibang tindahan!" Wala nang nagawa pa si Mama kundi tanggapin ang rosas. "Elle, for you," sabay inabot sa akin ni Sir Matt ang isa pang bouquet ng rosas "Salamat," "Nakakakilig naman itong dalawa! In fairness bagay kayo!" sabat ng isang isang mamimili Umalpas na ang kanina ko pang tinatagong ngiti. Nakatingin rin sa akin si Sir Matt habang nakangiti "Kayong dalawa, tama na yan! Kung tutulong ka, gawin mo na ngayon," masungit na tugon ni Mama "Yes, Ma'am!" tugon ni Sir Matt at tumulong sa amin. Sa sobrang dami ng mga mamimili ay tumulong na rin ang kasama nito. Tulad ni Sir Matt ay matipuno rin ito at seryoso rin. Magkatulong sila ni Sir Matt na nagbubuhat lalo na kung saku sakong bigas o kaya ay malalaking bote ng tubig ang binibili. Pakiramdam ko ay dahil sa ganda ng kanilang itsura at katawan kaya nakahatak ng maraming kustomer. Meron pa ngang humirit na isang kustomer, "Kanina ang gwapo na ng dumating, balita ko may isa pang pogi!" "Pakiss naman mga pogi!" ani ng ibang kustomer Matapos pagbilhan ang napakaraming kustomer ay kumalma na ang sitwasyon sa tindahan. Sa lakas ng benta ay halos ubos na ang aming mga paninda. Binigyan ko ng tubig sina Mama, Ading, Sir Matt at ang kaibigan nito "Thank you, my Love," bulong ni Sir Matt sabay kindat nang iabot ko ang isang bottled water. Agad ko naman itong pinandilatan ng mata sa takot na marinig sya ni Mama "Style mo, Bro!" sabat ng kaibigan nito Natawa naman si Sir Matt, "By the way, my Love, this is Adam, kaibigan ko," "Hi, Elle. Nice to meet you," bati ni Adam sabay lahad ng kanyang kamay "Hi, Adam. Nice to meet you too at maraming salamat sa tulong," tinanggap ko ang kanyang kamay para sa isang handshake "No problem," tugon nito, "I hope makasama mo ang buong barkada para makilala ka ng iba naming kaibigan," "She already met Caleb," tugon ni Sir Matt "Don't worry. Ma-memeet mo rin ang aming barkada once maayos ang lahat," dagdag nito sabay pisil sa aking kamay "Pano, una na ako," paalam ni Adam "Ma'am, una na po ako. Nice to meet you," paalam din nito kay Mama Tumango naman si Mama at bumaling kay Sir Matt, "Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" "Hintayin ko na po kayo nina Elle at Ading para maihatid ko na rin po kayo pauwi," "O sige, dahil ayaw mo pang umuwi, ikaw na ang mamalengke ng mga paninda," Matapos ilista sa kanyang phone ang mga panindang ipinapabili ni Mama ay nagpaalam na si Sir Matt para pumunta sa palengke. Balak ko syang samahan dahil alam kong hindi naman sya marunong mamalengke "Elle, hindi ka sasama," mahigpit na utos ni Mama Gusto kong magprotesta kay Mama ngunit napatingin na lang ako kay Sir Matt Ngumiti ito sa akin, "It's okay, Elle. I got this. Alis na po ako Mama, este Tita," Matapos ang halos isang oras ay bumalik na si Sir Matt bitbit ang mga pinamili. Isa isa nyang sinulit ang mga ito kay Mama pati na ang sukli mula sa perang ibinigay ni Mama. Ako mismo ay namangha dahil nakuha nya ang lahat nang tama. Nakuha nya rin nang tama ang suking binibilhan namin ni Mama kahit hindi ito sinabi sa kanya. Hindi man ipahalata ni Mama ay tiyak akong namangha sya. Pagkatapos ayusin ang mga paninda ay gumayak na kami para umuwi. Hindi kami iniwan ni Sir Matt bagkus ay ito na ang tumulong na isara ang tindahan. Pagkatapos ay inihatid na rin nya kami sa bahay. "Mauna na po ako," paalam ni Sir Matt "Kumain ka muna," anyaya ko Mukhang naninimbang pa sya dahil walang kibo si Mama at dumiretso nang pumasok sa loob ng aming bahay. "Next time na lang Elle," Tumango ako. Nanatili na lamang muna ako sa gate upang samahan sya bago sya umalis "Kamusta? Pasensya na at napagod ka nang husto," "Don't be sorry, my Love. Lahat gagawin ko para sa 'yo," Tumango ako, "Sige na, mas mabuting makauwi ka na para makapagpahinga na rin," Sumang ayon naman si Sir Matt at pumasok na ng kanyang sasakyan at umalis na. Pagkatapos naming maghapunan ay naligo na ako at pumunta na sa aking kwarto upang makapagpahinga. Aaminin ko, namimiss ko sya nang husto kapag hindi kami magkasama. Nakaantabay ako sa aking celphone kung may mensahe ba sya ngunit wala. Marahil ay nagpapahinga na sya. Humiga na ako upang matulog. Ilang sandali ay tumunog ang aking phone. Agad kong sinagot ang kanyang tawag "Hello," "I miss you, my Love," "I miss you too," Dumaan ang buong gabi at naging sapat na ang marinig namin ang isa't isa habang nag uusap sa celphone. Ganito kami sa mga sumunod na araw. Walang palya si Sir Matt sa pagtulong sa tindahan. Kahit ang pagtulong sa bahay kapag may kailangang ikumpuni ay nariyan sya. Isama pa ang mga regalo nya sa aming tatlo. Malapit rin sya kay Ading. Sa totoo lang ay nag eenjoy ang aking kapatid sa tuwing kalaro nito si Sir Matt. Gabi gabi rin kaming nag uusap sa celphone. Isang buwan na ang lumipas at pauwi na kami sa bahay pagkatapos magtinda. Tuwing ganito ay nauuna na silang pumasok sa bahay habang ako'y nananatili pa sa gate para samahan si Sir Matt. Ngunit laking gulat ko nang tawagin sya ni Mama, "Matt, dito ka na maghapunan," Bahagya pa kaming natigilan hanggang sa sumagot ito, "Salamat po, Tita!" "Akala ko ba, Mama ang tawag mo sa akin?" Nag uumapaw ang saya sa aking puso. Hindi ako makapaniwala na sa wakas ay may basbas na kami ni Mama "Pasensya na po, Mama. At, salamat po! Salamat, Ma!" Agad na lumapit si Sir Matt upang yakapin ang aking nanay Sabay naming pinagsaluhan ang nilutong hapunan ni Mama. Halos lahat kami ay ganado dahil siguro masarap ang gulay at dahil na rin sa pagod. Higit sa lahat, pakiramdam ko'y kahit si Mama ay masaya para sa akin. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na sina Mama at Ading sa kanilang mga kwarto upang makapagpahinga. Nanatili pa kami ni Sir Matt sa kusina upang linisin ang mesa at hugasan ang mga pinggan. "Love, ako nang maghugas ng pinggan," "Ako na dito," tanggi ko Hinayaan na nya ako at bagkus ay yumakap sa akin mula sa likod. Agad ko naman itong sinaway, "Baka makita tayo ni Mama! At saka, amoy pawis ako," Ngunit hindi ito natinag. Bagkus ay lalo pang humigpit ang kanyang yakap, "I miss you so much, my Love," Marahil ay tulog na sina Mama kaya naman hinayaan ko na ganito ang aming posisyon. Nang matapos ako sa ginagawa ay hinarap ko sya, "Uwi ka na, para makapagpahinga ka na rin," He pouted his lips, "Ayoko pang umuwi," Natawa na lang ako sa kakulitan nito. Niyakap ko sya pabalik, "Salamat, dahil hindi ka sumuko," "Mahal kita, Elle. I may not be perfect, but I strive to be better to deserve you," Nanatili kaming magkayakap hanggang sa napapayag ko na syang umuwi. Bago ako matulog ay nagdasal muna ako sa Diyos upang magpasalamat. Pagkatapos ay nagtipa ako ng liham upang ibahagi ang sayang aking nararamdaman sa isang taong mahalaga sa akin, Chairman, Kamusta na? Gusto ko lang ibahagi sa 'yo ang isang magandang balita. May basbas na ni Mama ang relasyon namin ng lalaking mahal ko. Hindi ko akalain ang saya na nararamdaman ko sa pagmamahal. Na-inlove ka na rin ba dati? Sya ang una kong nobyo. Lahat ay unang beses kaya sa totoo lang, halu halong emosyon ang aking nararamdaman. May kilig, may kaba, may lungkot kapag hindi ko sya nakakasama o nakakausap. Parang gusto ko ay palagi syang kasama. Siguro ay nagtataka kayo kung sino sya. Sya si Sir Matt. Oo, si Matt. Aaminin ko, nahihiya rin akong magsabi sa inyo dahil alam kong malapit kayong magkaibigan. Isa pa, mas mababa ang estado ko sa buhay kaya inaalala ko kung matatanggap ba ako ng pamilya nya. At ang huli ay dati ko syang propesor, kahit hindi na sya humawak ng klase namin noong nakaraang semestre, nag aalala ako sa kung ano ang sasabihin ng iba kapag nalaman ito sa university. Pero, mas mahalaga kung ano ang nararamdaman namin. Kung nagawa nya akong ipaglaban para pumayag si Mama, dapat ay ipaglaban ko rin ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal ko sya, Chairman. Sya lang ang minahal ko nang ganito. Kahit wala pa akong karanasan talaga sa pakikipagrelasyon, sigurado ako na sya ang sinisigaw ng aking puso. Marami pa siguro kaming mararanasan, pero may tiwala ako sa pagmamahal namin sa isa't isa Elle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD