Masasaya at masisiglang mukha ng mga estudyante ang makikita dito sa campus. Malayo ito sa aming mga itsura noong nakaraang finals week. Ito na ang huling linggo ng klase bago ang aming semestral break kaya naman sabik na ang lahat para sa bakasyon.
Habang naglalakad papunta sa aming silid ay hindi ko maiwasang ilibot ang paningin at hanapin si Sir Matt. Kahit iniwasan ko sya nitong semestre ay madalas ko syang makitang nasa paligid lang at malapit sa akin. Madalas ay tuwing ganitong oras nakikita ko syang kararating sa university at naglalakad papunta sa isang college ngunit ngayon ay wala sya. Baka siguro late sya?
Pagkatapos ng party ay nagtatalo ang aking kalooban. Pilit kong kinukumbinse ang sarili na kalimutan na si Sir Matt upang hindi na ako umasa at masaktan. Ngunit aaminin ko, mayroong parte sa akin na gusto syang makita at makausap.
Dumaan ang mga pang umagang klase at kahit magaganda ang aking mga marka mula sa mga exam at puro komendasyon ang aking natatanggap mula sa aming mga guro at kaklase ay tila pumapasok lamang ito sa isang tainga at lalabas sa kabila. Tila wala ako sa huwisyo. Pakiramdam ko'y mayroon akong hinahanap na hindi ko rin matukoy.
Pagkatapos ng mga pang umagang klase ay dumiretso na kami sa cafeteria. I am trying to see in my peripheral vision if he would come.
Tuwing lunch break ay kasama nya si Sir Morgan dito sa cafeteria na nanananghalian. Kadalasan ay halos magkapareho lang ng oras ang pagdating nila at ng aming grupo dito sa cafeteria.
Ngunit tulad kanina ay wala pa rin sya
"Girl, bakit sobrang seryoso mo today?" tanong ni Scarlet
Tila natauhan naman ako mula sa mga iniisip, "Huh? Ah, hindi. Okay lang ako,"
"Baka iniisip ni Elle saan tayo maglulunch out kasi itetreat nya tayo!" kantyaw naman ni Petra
"Oo nga! Sa taas ng grades ni Elle, no wonder dean's lister ulit sya!" palakpak naman ni Scarlet
"Uh," naiilang kong tugon dahil nabigla na naman ako ng dalawa
"Kakaraos lang ng party ni Elle guys! Treat na nya sa atin yun," agad akong sinapo ni Berna
"Okay, ay! Ayan na ang manlilibre!" tili ni Petra
Agad namang nag unahan ang t***k ng aking puso sa antisipasyon dahil mukhang kilala ko na ang kanyang tinutukoy,
"Hi, guys! Kamusta?" pamilyar na tinig ni Sir Morgan
Tila nabuhayan ako ng loob na marinig si Sir Morgan dahil makikita ko na si Sir Matt. Palagi silang magkasama kaya tiyak ay narito rin sya. Siguro ay nalate lang sya kanina at baka mayroon pa silang inasikaso ni Sir Morgan kaya nahuli sila ng dating dito sa cafeteria.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at lumingon sa kinaroroonan nila. Pagkalingon ay kusa ring nawala ang aking ngiti nang mapagtantong wala sya. Tanging si Sir Morgan lang ang dumating
"Elle! Kamusta? Your party was amazing, thanks for inviting us,"
Pilit akong ngumiti, "Thank you po,"
Nais kong itanong kung nasaan si Sir Matt ngunit wala akong lakas ng loob. Tinatalo ako ng aking isipan sa kung ano ang iisipin ng aking mga kasama o kaya naman ni Sir Morgan kung bakit ako nagtatanong.
"Sir, nasan po si Sir Matt?" tanong ni Berna habang nakatingin sa akin
"Actually, I don't know. Hindi rin sya nagsabi at hindi ko rin sya macontact. Baka nagbakasyon,"
"Huy!" nabigla ako sa tapik ni Berna. Tumawa ito, "Easy ka lang Bes, baka nagleave lang si Sir, malay mo, bukas nandito na yun,"
Uwian na at patuloy kami sa paglalakad. "Hindi ko naman sya iniisip, Bes," tanggi ko.
"Sus, denial queen ka talaga Bes! Malapit na talaga kitang sabunutan! Halata namang kanina ka pa malungkot dahil wala si Sir Matt!"
Agad ko namang sinaway ito, "Baka may makarinig sa 'yo Bes! Kung ano pa ang isipin nila,"
"Hindi kasi kita maintindihan! Palagi mong dinedeny ang feelings mo,"
Hindi ko akalaing mas maguguluhan pa ako nang iniwasan ko sya. Dati ay ayaw kong magkaroon ng ugnayan sa kanya, ngunit ngayon, bakit parang hinahanap hanap ko sya? Bakit malungkot ako?
"Napagod lang siguro ako Bes," tanging sagot ko
Sa mga sumunod na araw ay wala pa rin sya. Pinipilit ko ang sarili na h'wag nang umasang papasok sya ngayong linggo. Baka nagleave na sya. Siguro ay sa susunod na semestre ko na sya makikita. O baka naman hindi. Bumalik na kaya sya sa kanyang kompanya? Ang alam kasi namin ay libangan lang nya ang pagtuturo ngunit kung tuuusin ay hindi nya kailangan dahil sya'y lubos na mayaman.
Ngunit kahit anong pagkumbinse sa aking sarili ay iba naman ang nararamdaman ng aking dibdib. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Ang hirap maghintay. Ang hirap umasa. Hindi ko maiwasang magtaka. Bakit bigla syang lumayo? Galit ba sya nang magtalo kami? Hindi ba dapat ako ang magalit dahil may kasama syang babae? At bakit nga ba hinahanap ko pa rin sya? Pinagbigyan na nya ang gusto ko. Lumayo na sya. Kaya bakit ako nagkakaganito?
"Huy! Okay ka lang ba?" siniko ako ni Petra
"Kape lang yan Elle!" ani Scarlet
"Tara guys, punta muna tayo sa coffee shop. My treat," ani Sir Morgan na kararating lang sa aming table dito sa cafeteria. Nitong mga nakaraang araw ay sa amin ito sumasabay kumain dahil hindi pumapasok si Sir Matt
"Yes! Thanks Sir!" ani Scarlet
"Naglunch na ba kayo Sir?" tanong ni Berna
"Doon na ako maglunch. Mag order na rin kayo doon ng desserts nyo,"
"Salamat Sir," sabay sabay naming tugon
"Ako na magdrive," dagdag ni Zach
"Anytime! Sounds great, thanks Zach!" tugon ni Sir Morgan
Nagtungo na kami sa coffee shop at umorder ng mga pagkain at inumin. Habang naghihintay ng aming order ay napukaw ang aming pansin sa mga pumasok.
Naroon si Sir Matt kasama si Taylor. Kumpara ng mga nakaraang araw ay malinis ang baging ahit nitong mukha. Bagong gupit din ito na lalong nakadagdag sa kalinisan ng kanyang itsura. Seryoso itong naglalakad habang abot tainga ang ngiti ni Taylor habang nakakapit sa braso ng una.
"Dude!" bati ni Sir Morgan
Tumigil naman si Sir Matt sa paglalakad at bumaling sa amin. Dumako ang paningin nito sa aking kinaroroonan at umiwas din agad
"You look great! And what's the name of your beautiful date?"
Hindi napawi ang mga ngiti kay Taylor, "My name is Taylor, the newly crowned beauty queen,"
"Oh, yes you are! Kaya pala you look familiar. By the way, my name is Morgan and I'm with my students. Nice to meet you,"
"My pleasure to meet you too," tugon ni Taylor habang lalong humigpit ang yakap nito sa braso ni Sir Matt at isinandal ang kanyang ulo na aabot sa dibdib ng una. She glanced at my direction and subtly smirked.
Unti unting namamasa ang aking mga mata dahil sa kirot na gumuhit sa aking dibdib. Agad kong ibinaling ang aking paningin sa kubyertos na nasa aking harapan upang mapigilan ang pagbagsak ng aking luha.
Hindi na rin sila nagtagal at dumiretso na sa counter para umorder. Agad kong dinampot ang napkin sa aking harap at nagkunwaring ipinunas sa aking noo at ibinaba upang punasan ang ilang namuong luha.
"Bes, tikman mo ito, ang sarap no?" ramdam kong nahalata ni Berna ang aking dinaramdam kaya inaaliw nya ako sa pamamagitan ng pagtikim sa aming dessert. Ayoko rin namang magmukhang kawawa kaya sinakyan ko na rin at nilibang ang sarili. Hindi na ako bumaling pa kina Sir Matt at Taylor. Bagkus ay itinuon ko ang atensyon sa mga kasama. Mabuti na lang din at sina Petra at Scarlet ang syang mga namamangka sa kwentuhan.
Sumunod namang dumating sina Eros at mga kaibigan nito.
"Hi, Papa Eros!" bati ni Scarlet
Ngumiti ito at kumaway kay Scarlet. Dumako ang malungkot nitong mata sa akin na tila gusto akong kausapin ngunit niyaya na sya ng mga kaibigan sa counter.
Sa totoo lang ay hindi pa rin ako handang kausapin sya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Galit ba ako sa kanya? Hindi. Mahal ko sya bilang malapit na kaibigan ngunit hindi ko kayang mahalin sya nang higit pa roon. Nais kong mag usap kami pero hindi pa ngayon.
Naghahanda na kami upang umalis nang lumapit sa amin ang isang barista.
"Ma'am Elle?" at tila tinitiyak kung ako ito
"Ako nga," tugon ko.
Inabot nito sa akin ang isang maliit na paperbag. Nagtataka akong inabot iyon at nang tignan ang loob ay nakita ko ang isang slice ng chocolate cake.
"Hindi ako umorder," sambit ko
"Ma'am, ipinapabigay po sa inyo ng lalaking nakaupo sa kabilang table,"
Sinundan ko ang itinuturo nya at natagpuan si Eros. Nakatingin ito sa akin at animo'y maamong tupa. Tumango na lang ako sa kanya
"Awww, ang sweet! Sana all binibigyan ng cake," sabat ni Scarlet
"Okay guys, bago pa ako mainggit, let's go back to the school," ani Sir Morgan
Tatayo na sana kami nang mapansin si Sir Matt na nauna nang umalis. Si Taylor naman ay humabol sa kanya palabas
"Oh, what happened to the two?" takang tanong ni Sir Morgan.
Pagkauwi ay ipinatikim ko kina Ading at Mama ang binigay na chocolate cake ni Eros. Habang nagpapahinga sa aking kwarto ay paulit ulit na dumadako sa aking isip ang tungkol kina Sir Matt at Taylor. Kaya paulit ulit din akong nasasaktan.
"Girl, bakit wala ka sa mood? We're going to party later right?" tanong ng isang estudyante sa kaibigan nito na nag aayos sa harap ng salamin.
"Yeah, I know we're going to party, but I miss Sir Matt so much! Now that he resigned from the faculty! He's going to the US!"
"What?! Do you know when's his flight?"
"I heard he's flying tonight!"
"But why's so sudden?"
"I don't know!"
Tila wala ako sa sarili habang hinahayaang umagos ang tubig mula sa faucet papunta sa aking mga kamay. Nakalabas na ang dalawang babae sa restroom ngunit nanatili ako rito sa loob habang paulit ulit na pumapasok sa aking isip ang mga narinig.
"Bes, tara na!" yaya ni Berna
"Huh, uh, sandali," agad kong pinatay ang faucet at nagtuyo ng mga kamay. Pagkatapos kong piliting maging maayos ang ekspresyon ay sumunod ako kay Berna
Nang mananghalian kami sa cafeteria ay halos alam na ng lahat ang balita kay Sir Matt. Pati si Scarlet ay wala sa mood.
"Bakit kasi nagresign si Sir Matt?!" maktol nito
"Dahil ba ito doon sa beauty queen na kasama nya?" dagdag pa nito
"Mas maganda sana kung si Sir Matt ang sumagot nyan kaso wala naman sya," ani Petra
Simula nang malaman ko ang tungkol kay Sir Matt kanina ay para akong uligaga na hindi maintindihan ang gagawin. Kahit ano naman ang gawin ko ay malinaw na pinili nya si Taylor. Mahirap lunukin ang mga salitang binitiwan na. Mahirap sumugal lalo na't alam kong talo na ako sa simula. Pero bakit iba ang sinasabi ng aking puso? Kaya ko ba talagang mawalay sa kanya?
Nagtatalo ang aking isip at kalooban hanggang sa makasalubong ko si Sir Morgan sa koridor.
"Sir," sambit ko
"Ano yun Elle?"
"Uh, itatanong ko lang sana... alam nyo po ba kung kailan ang flight ni Sir Matt?"
"Oh, he's flying tonight. His flight is at 8pm,"
Tumango ako. Pagkabalik ko sa aming silid para sa huling klase ay hindi ako mapakali. Kung gayon ay alas singko pa lang ay dapat nasa airport na sya. Mag aalas kwatro na ngayon ng hapon at baka mayamaya ay paalis na sya papuntang airport.
"Bes, okay ka lang ba?" tanong ni Berna
"Bes, pwede ba akong magpatulong?"
"Ano yun?"
"Ihatid mo ako. Ihatid mo ako kay Sir Matt. Pakiusap,"
Ngumiti si Berna, "Of course! Let's go!"
Agad kaming tumayo at umalis na ng classroom. Takang bumaling sa amin ang mga kaibigan dahil umalis na kami habang naka break ang aming guro.
Agad na pinaharurot ni Berna ang sasakyan. Sinabi ko sa kanya ang address at ang oras ng flight ni Sir Matt na sinabi ni Sir Morgan. Dapat ay makapunta kami sa kanyang condo bago sya umalis papuntang airport. Mas mabuting maabutan ko na sya sa kanyang bahay kaysa sa malawak na airport.
Agad naman kaming sinalubong ng matinding trapik. Pati si Berna ay pumapalatak dahil sa bagal ng daloy ng mga sasakyan. Limang minuto na lang bago mag alas kwatro y medya ngunit wala pa kami sa condo ni Sir Matt. Sa tantya ko ay may dalawang bloke pa bago ang kanyang building
"Bes, baba na ako. Tatakbuhin ko na papunta sa condo nya,"
"Sigurado ka?" tanong ni Berna
Tumango ako. Hinayaan na ako ni Berna na bumaba ng sasakyan. Agad kong binagtas ang mga nakahimpil na sasakyan dahil sa trapik upang makatawid sa daan papunta sa sidewalk. Bitbit ang aking bag ay tinakbo ko papunta sa kanyang building. Napapatingin sa akin ang mga nakakasalubong ngunit hindi ko na sila pinansin.
Napayuko ako at nailagay ang aking mga kamay sa tuhod nang marating ko na ang harap ng building. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso dahil sa pagtakbo kaya abut abot din ang aking paghingal.
Pumasok ako sa entrance at buti na lang ay namukhaan ako ng security noong dinala ako rito ni Sir Matt ng dalawang beses. Una ay noong nastranded kami sa baha at pangalawa ay noong inaway ako nina Karen. Marahil ay alam nyang si Sir Matt ang sadya ko kaya agad nya akong pinapasok at ipinaalala ang floor ng kanyang unit.
Agad akong pumasok sa elevator at nang maihatid ako nito sa palapag ng unit ni Sir Matt, sobrang lakas ng t***k ng aking puso. Umaasa akong hindi pa sya nakaalis.
Pinindot ko ang doorbell. Isa. Pangalawa. Nanginginig ang aking kamay bago ko pindutin ang pangatlo. Ilang segundo pagkatapos ng pangatlo kong pagpindot ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Namasa na ang aking mga mata dahil mukhang huli na ako.
Pinunasan ko ang aking mata nang biglang bumukas ang pinto. Bahagya akong natigilan at unti unting inangat ang aking tingin. Natagpuan ko ang mukha ni Sir Matt na bahagyang nagulat dahil naririto ako
"Elle, what are you doing here?" bakas sa kanyang mga mata ang pag aalala dahil sa naluluha kong mukha
"Sir," ang dami kong gustong sabihin ngunit tila umurong ang aking dila. Napansin ko ang maletang nasa loob ng kanyang sala
Ilang sandali akong natahimik. Seryoso ang kanyang mukha na bumaling sa akin,
"If you have nothing to say, please excuse me. I have to go now,"
"Pakiusap, h'wag ka nang umalis," tuluyan nang umagos ang aking mga luha habang inabot ko ang isa nyang kamay.
Ilang sandali kaming nanatiling tahimik at tanging paghikbi ko lang ang naririnig
"I'm sorry Elle,"
"Pakiusap," binitawan ko ang kanyang kamay at niyakap sya nang mahigpit.
"Elle, please, don't make it difficult for us,"
"Mahal kita!" inangat ko ang mga namamagang mata upang tignan sya
"Ilang beses ko mang itanggi pero mahal kita,"
Kahit malabo na ang aking paningin dahil sa luha ay kita ko ang mga mata nyang punung puno ng emosyon. Agad nyang hinila ang aking batok at ako'y hinalikan