Habang dumadaan ang mga araw ay lalo akong naguguluhan sa aking damdamin. Sa tuwing nakikita kong kasama nya ang lalaking iyon ay hindi ko maiwasang mainis. Kanino ba ako naiinis? Sa kanila? Ngunit bakit tila mas naiinis ako sa aking sarili? I knew it. Tama ang aking hinala. Sya ang tipo ng babaeng painosente ngunit kayang paikutin ang sinumang lalaki. Pero nagkamali sya. She's nothing but a girl that was sold to me that night. Magpasalamat na lang sya at naawa ako sa kanya. Nadala lang ako ng aking awa at konsensya. But nothing more than that. Ngunit bakit sa kabila ng lahat ay hindi ko sya matiis? Bakit sa tuwing sumusulat sya ay hindi ko magawang ibalewala? Bakit hinahanap hanap ko ang kanyang pagtawag sa akin bilang Chairman? Bakit ang lakas ng t***k ng aking puso sa tuwing malapit

