Pagkatapos ng kasal ay bumalik din kami ni Matt sa aming bahay upang hindi rin ito masyadong mapagod. Ang aming mga pamilya ay bumalik na rin sa kani kanilang mga bahay. Bagamat nais nilang manatili ng mas matagal sa Pilipinas, kinailangan na ring bumalik nina Mama at Ading sa Amerika dahil sa summer classes. Sina Maya at Papa naman ay paminsan minsan ding bumibisita upang kamustahin kami. "Hija, ayos ka lang ba? Magpahinga ka muna," sambit ni Manang "Ayos lang po ako, salamat," pinilit kong ngumiti upang patatagin ang aking kalooban. Napansin ni Manang na namumugto ang aking mga mata, marahil ay dahil ito sa puyat at pag iyak. Nitong mga nakaraan ay dumalas ang spasms ng aking asawa kaya mas nanghina ang katawan nito. Sa tuwing sya ay nahihirapan sa sakit ay mas lalong dinudurog ang a

