AMOY ng gamot ang gumising kay Loui mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, at tumambad sa kanya ang mga puting dingding, dahilan para mapagtanto niyang nasa ospital siya. Oh, right, I fainted - that’s why I’m here. Nang naramdaman niyang nabawi na niya ang kanyang lakas ay umupo siya, nang nahawi ang kurtina na nasa kanyang tabi. Bumungad sa kanya ang isang lalaki - at naalalang ito ang kausap niya bago siya nawalan ng malay. Pasasalamatan niya sana ito sa pagdadala sa kanya sa ospital. Pinagmasdan niya rin ang lalaki - magmula sa maarko ngunit makapal nitong kilay, matangos na ilong, at kulay-tsokolateng mga mata. Guwapo ngunit mukhang mahal ang ngiti. Nawala rin naman kaagad ang impresyong iyon, nang isang tipid na ngiti

