“ANONG pinagawa sa ‘yo doon sa Clinic? Hindi ka ba nila binigyan ng gamot kahit pa masakit ang ulo mo?” pagtatanong kay Loui ng lalaki kaya naman pilit niyang inaalala ang pangalan nito na nabanggit noong nagpakilala ito sa klase kanina. Was it Benjamin? Beni? Benjie?
“Ewan ko rin, hindi ko alam kung bakit hindi ako binigyan ng gamot ng nurse na ‘yon,” sagot niya rito habang nakakunot ang kanyang noo. Ibinabaling niya sa inis na nararamdaman ang pagtalon ng kanyang puso dahil sa pagtitig ng lalaki sa kanya. Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina at pasimpleng sinipat ang kabuuan ng binata. His thick and curvy eyebrows defined those expressive pitch black irises, paired with his high nose and pinkish lips. His face gave out a gentle aura, but she can’t understand why her heart skipped a beat when she met his eyes.
Maybe because he’s cute? The little voice on her head echoed. Tall and wide-shouldered, kita rin ang malapad na dibdib nito sa puting polo shirt na suot nito. Ngunit bigla rin siyang napahinto sa direksyon ng iniisip niya.
Ano ka ba naman, Louisse. Child a***e 'yan! At saka isa pa, hindi ka nagpunta dito para may mapansin ka na naman. Nakalimutan mo bang trabaho ang ipinunta mo rito kaya itigil mo na 'yang iniisip mo!
Mula sa atensyong ipinukol niya mula sa lalaki ay ibinaling niya iyon sa mga kasama. Naiinis din siya sa sarili, dahil sa lahat ng mapapansin niya ay sa isa pang lalaking di hamak na mas bata sa kanya. He was just 21, and he was a year older than her brother.
You have eyes, Louisse Althea, malamang mapansin mo talaga siya, ani ng kontrabidang boses sa isip niya. Nagtatalo pa ang isip niya nang marinig niya ang isang baritonong boses sa tabi niya, kaya lumingon siya para makita ang pinanggalingan ng boses na iyon. Ngunit lalo lamang siyang natigilan nang napagtanto na ang may-ari ng boses na iyon ang siyang dahilan kung bakit kasalukuyang nagra-rumble ang isip niya.
“Sorry, nagulat ba kita?” tanong nito sa kanya nang nakita ang nakakunot niyang noo.
“Hindi naman,” aniya kahit pa hayun na naman ang tila pagtalon ng puso niya sa simpleng pagtingin niya sa mga mata nito. Hindi niya alam kung gaano katagal silang nakatingin sa isa’t-isa nang magbawi ito ng tingin - at itinuro ang isang hanging lamp na nakabitin sa ceiling.
“Lumilindol, gumagalaw yung lamp o,” anitong muli kaya sinundan niya ng tingin ang itinuturo nito. Gumagalaw nga ang hanging lamp, kaya hindi niya maiwasang kabahan para sa sarili dahil ito ang unang beses niyang naranasan ang ganito.
Sana matapos ‘to agad, nakakatakot! Aniya sa isip nang naramdaman ang bahagyang pag-uga ng sahig sa mahinang lindol. Tila naman hindi ito napapansin ng mga kasama nila at silang dalawa lamang ng lalaking nasa tabi niya ang nakakaramdam nito.
“Sana matapos kaagad ‘to, nakakatakot pala. Nasa mataas na building pa naman tayo.” Napalingon siyang muli rito kaya nagtama na naman ang kanilang paningin. Ngunit kahit pa sinabi nitong kinakabahan ito ay nanatili itong kalmado - dahilan para kahit paano ay mabawasan ang kaba niya. Ngumiti ito, kasabay ng paglahad ng palad nito sa kanya. "Kanina pa kita kinakausap, pero hindi ko nagawang magpakilala sa'yo. Benjamin Gonzales, pero Benjie na lang for short."
Isang tipid na ngiti ang isinagot niya rito, at tinanggap ang palad nito. "Louisse Arevalo."
"TAKE your break, guys. Be back after thirty minutes." ani ng trainer nilang si Alex pagkapasok nila ng training room. Dahil training pa lang naman ay binibigyan sila nito ng oras para makapag-break.
"Tara na sa baba, Dad, kain tayo doon," pag-aaya ni Loui sa mga kasama para makababa sa ground floor ng kanilang opisina. Kapag ganitong oras kasi ay maraming nagtitinda ng street food sa tapat ng building nila, dahil karamihan ng mga empleyado sa building na iyon ay pawang mga call center agents na doon kumakain. Sumang-ayon naman ang mga kasama niya kaya agad na silang bumaba sa ground floor.
“Yes! May isaw!” Nagningning ang mga mata niya nang makita ang cart ng pritong isaw ng manok sa di-kalayuan. Kaagad na lumapit siya sa cart at kahit mainit pa ang stick ay dinampot niya iyon kaya napaso siya, dahilan para mabitawan niya ito.
"Aray." Napakatakaw kaya napapaso e. Mauubusan lang ng pagkain, Loui? Hinihipan niya pa ang daliri nang narinig niya ang pamilyar na baritonong boses na iyon. Lumingon siya sa kanyang tabi at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Benjie.
"Dahan dahan lang, uy. Napapaso ka tuloy."
"Ikaw pala." Ngumiti si Loui pabalik kay Benjie at dinampot muli ang stick ng isaw na ngayon ay malamig na. "Gusto mo?" pang-aalok niya rito at nang umiling ang binata ay kumagat siya sa stick at ngumuya.
"Sige lang, tapos na ako. Nag-fishball na ako doon sa kabila," tukoy naman nito sa fishball cart sa tabi nila. "Mukhang sarap na sarap ka sa kinakain mo ah."
"Oo, favorite ko 'to, e. Bawal nga sa 'kin, pero dahil gutom na ako at natural na matigas ang ulo ko, tuloy pa rin." Habang kumakain ay hindi nawala ang pagkakatingin sa kanya ng binata. Tila ba tuwang-tuwa pa na pinapanood siya nito ngunit ibinaling niya ang atensyon sa pagkain nang marinig niya ang pagtawa nito, kaya naman nagtatakang tumingin siya rito.
"Bakit ka natawa?"
"Wala naman. Bilib ako sa katigasan ng ulo mo, ang lakas mo kumain ng bawal sa'yo."
"Kunsintidor," biro niya habang isinubo ang huling stick ng isaw na binili niya. Nang makapagbayad siya sa tindero ng kinain niya ay inaya na siya ng binata na puntahan nila ang mga ka-team mates na nakatambay sa harap ng convenience store na iyon. Nakatayo sila sa harap ng convenience store nang bumulong sa kanya si Benjie.
"Samahan mo naman ako sa Family Mart."
"Sige, halika na."
Nagikot-ikot ang binata sa loob na tila may hinahanap, habang siya naman ay nasa magazine stand, kaharap ang mga libro. Busy siya sa katitingin sa mga librong nasa harap niya nang lumapit sa kanya si Benjie.
"O, ano? May nabili ka ba?"
"Wala nga ako nakita, e. Sorry, ha? Pero pwede ba samahan mo ako sa MiniStop? Last na 'to."
Tumingin siya rito at ibinalik muli sa magazine stand ang librong binabasa niya. "Tara."
"Thank you."
Nagtungo sila sa MiniStop at hinayaan niya itong mag-ikot sa loob ng store, habang siya naman ay nasa harap na naman ng magazine rack. Libang na libang siyang tingnan ang mga librong naroon nang marinig niya ang pamilyar na baritonong boses ng binata. Hawak pa niya ang dibdib nang mabilis niyang nilingon si Benjie na nasa kanyang tabi at tila ba pinagmamasdan siya. Pambihira kang lalaki ka, lagi ka na lang nangugulat. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo.
Nagtama ang mga mata nila at tila ba nabatubalani siya sa simpleng pagtitig sa mga mata nito. Hindi niya alam kung gaano katagal silang nagkatitigan, ngunit ito na mismo ang nagbawi ng paningin at bumaling sa hilera ng hot chocolate cups sa harap nila.
"Ano sa tingin mong masarap na flavor ng Swissmiss diyan?"
Tumingin si Loui sa itinuturo ni Benjie sa kanya. "Iyong dark choco siguro, mukhang masarap."
Kumuha ito ng dalawa at nagpunta ito sa counter para magbayad. Nang lumapit ito sa kanya ay iniabot sa kanya ang isang cup ng hot choco na hawak nito. "Uy, ito, oh. Para sa'yo."
Nagtatakang tumingin siya rito. "Ha? Para sa akin ba talaga 'to?" Anong meron? Ba't nanlilibre 'to bigla? Nagpalipat-lipat ang kanyang mga mata sa binata at sa cup ng mainit na tsokolateng hawak nito.
Tumango ito. "Para sa'yo talaga 'yan."
"Sure ka?"
"Oo. Thank you ko 'yan kasi sinamahan mo ako."
"Di mo naman kailangan manlibre, no. Sinamahan kita, kaya okay lang."
"Sige na, tanggapin mo na." Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay roon ang mainit na cup ng hot choco. "Magtatampo ako kapag di mo tinanggap 'yan." Sa pagdadaiti ng mainit na palad ng binata sa kanyang kamay ay nagsimula na namang tumalon-talon ang puso niya.
"Sige na nga. Pero ako naman ang manlilibre pagdating ng sweldo natin."
Umiling ito bilang pagtanggi sa kanya. "Huwag na, okay lang talaga."
“Bahala ka dyan, basta ako naman ang manlilibre sa'yo sa sweldo natin,” bulong niya. "Halika na sa taas, baka bumalik na sila doon at hinahanap na nila tayo."
Bumalik na sila sa training room at naroon na rin pala lahat ng mga ka-teammates nila. Nakita sila agad ni Daddy Robert, na ngayon ay nakangiti nang nakita silang magkasama.
"Saan kayo nanggaling? Nag-date kayo, 'no?"
Muntik na niyang maibuga ang iniinom sa sinabi ni Daddy Robert. Ano raw? Nawala lang kami, nag-date na kaagad? Ang advanced naman mag isip ang mga tao dito. "Hindi, Dad. Sinamahan ko lang po si Benjie sa Mini Stop."
"Kaya pala. Akala namin kung saan kayo nagpunta eh."
"Hindi po kami nag-date, sinamahan lang po talaga ako ni Loui," pagtanggi nito sa sinabi ni Daddy Robert ngunit bakas naman ang abot-taingang ngiti. Kita niya pa rin ang natutuwang reaksyon ni Benjie sa pang-aasar sa kanilang dalawa, ngunit sa halip na tanungin ang binata ay mas pinili niyang hindi na pansinin iyon at umupo na lang sa kanyang pwesto. In-eenjoy niya pa ang mainit na cup ng tsokolate na nang lumapit sa kanya si Nikka, at nakataas ang kilay na tumingin sa cup na hawak niya.
"Ano 'yan, guys?"
"Swissmiss choco." Iaalok niya sana ang cup na hawak nang bigla itong hinablot ni Nikka mula sa kanya, dahilan upang matapunan ang damit niya. Naramdaman pa niya ang init na tumagos sa damit niya mula sa natapong likido, nang biglang tumalikod sa kanya ito at nagpatay-malisya. Ang bruhang 'yon, di man lang nag sorry at lumayas na lang bigla!
Kahit pa naiinis sa ginawa ni Nikka ay mas pinili niya na huwag na lang itong patulan. Tumayo sya sa upuan niya para magpunta ng CR at linisin ang natapunang parte ng damit niya nang lumapit sa kanya si Benjie."Ayos ka lang, Loui?"
"Oo. Lilinisin ko lang tong damit ko, namantsahan, eh. CR lang ako."
"Samahan na kita," anito at sumunod na sa kanya na paglabas ng training room. Nang makarating sila sa labas ng CR ng girls ay iniabot sa kanya nito ang panyong inilabas mula sa bulsa ng pantalon. "Gamitin mo to, o."
Umiling siya. "Tissue na lang ang gagamitin ko panglinis, nakakahiya naman kung panyo mo pa."
"Paano kapag walang tissue diyan sa loob?" Kinuha nito ang kamay niya at inilagay nito ang hawak na panyo. "Basta gamitin mo 'yan."
Ang concerned, ha, sa isip isip niya. Aba, Louisse. Hindi porket concerned siya sa'yo e bibigyan mo ng kahulugan' yang kabaitan na pinapakita niya. Kailan ka pa naging dictionary? Nag-aatubili man ay tinanggap na lang niya ang panyo ni Benjie. "Sige na nga. Ibabalik ko na lang sa 'yo 'to kapag nalabhan ko na.”
"REVIEW your notes, guys. I'll give you your assessment after an hour," ani ng trainer nilang si Alex matapos nitong mag-lecture. Katatapos lang nila sa isang module kaya naman magbibigay ito ng assessment. Ganito lagi ang nangyayari kaya naman naisipan niyang ipunin muli ang mga napakinggan niya at gumawa ng reviewer. Kahit naman kasi ayaw niya sa napuntahan niyang account ay ayaw niya pa rin namang bumagsak. Halos nangalahati na siya sa pagtype nang napansin niyang parang may tao sa may gawi ng likod niya. Sinilip niya ang pc sa tabi at nakita niya ang repleksyon ni Benjie na palakad-lakad sa likod niya.
Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking 'to at diyan pa nagpaikot-ikot sa likod ko? Parang may sasabihin na ewan. Hinayaan lang niya ang binata sa ginagawa nito at nagpatuloy siya sa pagta-type ng notes sa kanyang computer. Bahala ka dyan, kaysa mailang ako, magpapaka-busy na lang ako rito.
Ngunit hindi na yata ito nakatiis nang tuluyan na itong umupo sa bakanteng silya sa tabi niya. Kahit na ang kanyang mga mata ay nakatingin sa harap ng computer, hindi niya mapigilang maramdaman na nakatingin ito sa kanya. Ilang segundo pa itong nanatiling tahimik kaya naman humarap na siya rito para tanungin kung ano ang ginagawa nito sa tabi niya. She caught him staring at her - nor did he flinch when she met his eyes. But there was a hopeful look in those, like the same way that he was hoping for her to notice him. He smiled when he got her attention.
"Bakit, Benjie?"
"Ah, kasi..."
"Kasi?"
"Busy ka?"
Ano naman kayang problema nitong taong 'to? Parang hindi mapakali at may gustong sabihin, e. "Hindi naman, nagco-collate lang ako ng notes para maging reviewer. Bakit?"
"Ipapatingin ko sana 'to sayo e," anito sabay turo sa ituktok ng ulo nito. Giving her his puppy eye look, he was like a puppy trying to get his master's attention. And boy, she must say that it was effective. And cute.
Hep! Mag hunus-dili ka, Louisse. Umayos ka, nadala ka naman kaagad sa ginawa nya. Tigilan mo iyan! Baka naman nakalimutan mo ang purpose kaya ka nandito. Tumikhim siya, at hindi niya rin alam kung kikiligin o matatawa sa inaasal ng binatang nasa harap niya, kahit pa nagtatalo ang isip at puso niya. Bumuntong-hininga siya, tanda na nanalo na ang puso niya sa pagpapansin ng binata sa kanya. "Aba, ang dami. Ano bang ginagamit mong shampoo? Baka hindi ka hiyang kaya nagkakaganyan."
Binanggit nito ang brand ng isang shampoo. "Talaga? Marami?"
"Oo. Magpalit ka, ha?"
Tumango ito kahit pa nakayuko para sumang-ayon sa sinabi niya. "Okay, sige."
Tinitingnan pa rin niya ang ulo ni Benjie nang narinig niya si Alex na tila may itinatanong na kung ano sa mga ka-wave mates nila, at napagtantong ang pinag-uusapan ng mga ito ay ang mga kaibigan nilang si Russel at Iris. Tinutukso ang mga ito sa isa't-isa dahil tila may namamagitan na sa dalawa. Kawawang Iris at Russel, na hotseat pa, aniya sa sarili. Ngunit wala siyang kamalay-malay na silang dalawa na pala ni Benjie ang kasunod na aasarin ng mga ito.
"E, hindi lang naman kami ni Russel, e. Ayan, o. Si Loui at Benjie din naman."
Ano? Kami raw? Dahil sa narinig ay binitawan niya si Benjie at umayos naman ang binata ng pagkakaupo sa silyang nasa tabi niya.
"Uuy, diyan nagsisimula ‘yan," ani Jaycee na nakangisi sa kanilang dalawa.
"Okay lang naman 'yan," segunda naman ni Daddy Robert. "Wala naman kayong masasagasaan. Pareho kayong single." panunudyo nito. Hindi pa man siya nakakabawi sa pang-aasar ay nilapitan siya ni Jaycee.
"Ay, ang haba ng hair mo, 'te. Baka maapakan natin ‘yan." nakangising sabi nito at bumaling naman kay Benjie. Itatanggi pa sana niya iyon nang kunin ni Jaycee ang mga kamay nila ni Benjie at pinagsalikop nito iyon. Kumalat ang init sa kanyang mukha, at ang sasabihin pa sana niya ay nawala nang lahat sa halo-halong pakiramdam dahil sa pang-aasar sa kanilang dalawa.
"Ayan. Holding hands kayo para lalo pa kayong sweet."
"Totohanin nyo na kasi!"
"Oo nga. Tapos i-celebrate natin!
Nagkatinginan na lang sila ni Benjie. Tulad niya ay wala rin itong masabi at namumula rin ang pisngi nito, ngunit abot-tainga ang ngiti sa labi. Aba't parang tuwang tuwa pa ang isang 'to sa nangyayari!
"Uuy, nag-blush si Benjie!"
"Kiss!"
"Oy. Sobra na yan.. Mamaya nyo na ituloy." Pag-aawat ng trainer nilang si Alex at tumingin ito kay Benjie. "Mr. Gonzales, mamaya ka na manligaw. Bumalik ka na muna sa upuan mo."
Tumayo ito sa upuan at lumingon sa kanya. "Loui," anito at ngumiti. "Mamaya na lang uli."
Kung kanina ay mabilis ang pagtibok sa nangyaring pang-aasar sa kanila ng mga kaibigan, mas lalo lamang itong bumilis sa narinig niyang sinabi ng binata. Hindi puwede, babala niya sa sarili para supilin ang nararamdaman. Benjie and I should only be friends. Only friends.`