NAHULING lumabas ng production floor si Loui at pupuntahan niya na ang mga kasama sa pantry. Naiwan siyang mag-isa dahil nauna na sina Iris at sinabi niyang susunod na lang siya pagkatapos ng kanyang call. Itutulak na niya ang glass door para makalabas sa lobby nang may tumawag sa kanya. Lumingon siya at nakitang si Daddy Robert iyon. Sumilay ang isang tipid na ngiti sa kanyang labi ngunit biglang nabahaw iyon nang nakita kung sino ang nasa tabi ni Daddy. Ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang kanyang puso - at ang taong naging dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon. Si Benjie. Kumalma ka, Louisse Althea! Sigaw ng kontrabidang boses sa utak niya nang maging rigodon sa bilis ang kanyang puso sa simpleng pagtatama ng mga mata nila ni Benjie. Kaagad niyang iniwas ang mg

