"Alam naming pagod pa kayo sa biyahe nakahanda na lahat ng gamit niyo sa kwarto. Sige na't may mga lakad pa kami. Magpahinga na muna kayo at nang makarami." Anang ina ng binata. Siguradong namumula na naman ang mukha niya dahil sa tuksuan ng mga magulang nila. Napailing na lamang ang binata at nauna nang umakyat sa hagdan papunta sa masters bedroom. Habang papaakyat ang dalaga ay hindi niya maiwasang hindi mamangha sa nakikita. Ang ganda ng mansion lahat mamahalin. Parang sa Rome lang. Ang gara talaga mula sa mga marmol at chandeliers. Mga vases na antique at mga paintings. Sumunod na lamang siya sa binata at mahinang sinara ang pinto. "Ahm...Reuchi s-sina mama? Hindi ba nila alam ang totoong nangyari?" Tanong ng dalaga. Reuchi stunned and avoided her gaze. "I didn't plan on telling th

