Chapter 3

808 Words
?? CHAPTER 3 ?? MARJORIE NOREEN CURIANO'S P.O.V “Shinnie...” Napatigil kami ni Belle nang biglang tumigil si Lou. Sabay sabay kasi kaming naglalakad papunta sa classroom namin. Napatingin ako sa kung saan nakatingin si Lou at napa-roll eyes. Si Godel lang naman pala ang dahilan. Si Godel and crush-s***h-ka-MU ni Lou. Napa-buntong hininga ako at pumadyak. Alam kong mai-stranded na naman kami sa kinatatayuan namin ngayon. Nasa corridor kami tapos katapat nun yung kabilang building kung nasaan sina Godel. May mga kausap syang mga nasa GAS strand. Yung mga nasa first section. Mga katulad nyang Korean. Alam kong mai-stranded kami kasi alam kong tititigan na naman ni Lou nang one to sawa si Godel. Ewan ko ba sa babaeng to. Kanyang kanya na pero pakiramdam mo mawawala lagi sa paningin nya. MU na kasi sila. Nakitingin na rin ako. Tutal bored ako. Mga Korean yung mga kausap ni Godel. Tapos maliliit yung mga mukha. Mga mahitsura sila pero oks lang. Wala naman silang epekto sakin. Wala naman kasing makakapantay sa kagwapuhan ni Kris para sakin. Hays. Para prinsipe yung si Kris. Nakakamiss sya. Sya yung crush ko na estudyante rin dito sa school namin dati. Sa Canada na kasi sya nagcollege kaya di ko na sya nakikita ngayon. Kausap rin pala ni Godel yung bagong member ng basketball team ng high school namin. Si Stephen Oh. Pero nalilito ako kung alin sya dun sa dalawang maliit ang mukha. Magkakamukha kasi sila. Nabigla naman ako nung biglang lumingon sa parte namin yung isa sa kanila tapos nagkatinginan kami. Bigla syang ngumiti. Napakurap ako kaya mas ngumiti sya. Napakunot noo tuloy ako. Kung sya si Stephen Oh pwedeng ok na ngumiti sya kasi kapatid ako ng team captain nila sa basketball... Pero yung style ng pagngiti nya lalo nakaka... Parang feeling nya close kami! Saka hindi ako sure kung sya yung Stephen Oh nakakalito kasi. “Oh em... Nakatingin satin si Hansen!” biglang sabi ni Lou tapos paglingon ko ulit lahat na sila nakatingin samin. Kumaway naman bigla si Godel. “Yieeeh, Shinnie!” nakangiti namang kumaway pabalik si Lou. Landi ng babaeng to. Sarap kurutin sa singit. “Hindi pa ba tayo aalis? Magta-time na,” biglang sabi ni Belle kaya napa-nguso si Lou. Hays. Kelan ba sya magsasawa sa Shinwon Godel nyang hindi naman sya kayang ipaglaban. “Wait!” Kumaway ulit si Lou kay Godel tapos naggesture na paalis na kami tapos biglang hinigit kami sa may gilid ng corridor. “Belle!” biglang tiningnan nang masama ni Lou si Belle. “May kasalanan ka pala sakin, Bessie!” Napatingin naman ako kay Belle tapos halatang parang hindi sya komportable. “Bakit di moko dinaanan sa bahay kanina? San ka nagpunta?” “Uhm...” si Belle. “May nagbigay kasi ng regalo tapos inaya nako papunta rito.” “Wow! May segunda dia debut mo?” Debut kasi ni Belle kahapon. Kapag segunda dia ibig sabihin nun celebration kinaumagahan. Napangisi ako. Lokong Lou, nagbi-Bicol. “Sino? Manliligaw mo?! May nanliligaw na sayo?” “Hindi sakin nanliligaw si Deo!” Deo? Sino naman kaya yon? “Deo Bive?! Yung medyo maliit na medyo malaki mata?” “Pfft. Nagsalita yung sobrang tangkad...” natatawa kong sabi. Maliit din kasi si Lou. Pati si Belle. Hahaha. Tumango lang si Belle. “Nanliligaw na sya sayo? Bakit di mo sinabi? Kaya ka ba nya sinayaw nung Valentine's Ball?” Teka. Bat di ko alam yun? May sumayaw kay Belle nung Valentine's Ball?! “Hindi sya nanliligaw... Magkaibigan lang kami!” “Weh? Bat di ka nagkukwento? Bat tinatago mong may interactions kayo? Ha? Ha?” kinikilig na sabi ni Lou habang sinusundot sa tagiliran si Belle. “Ikaw ha...” sabi pa nya sabay pinanggigilan si Belle. Baliw talaga ng babaeng to. “Wag ka ngang maingay baka may makarinig saka baka makahalata sya...” “Ayaw mo nun? Malay mo magustuhan ka rin. Yieeeh.” “Asang asa na naman!” bigla kong tinulak sa noo si Lou. “Palibhasa... Reveal mo na rin kasi kung sino crush mo!” sigaw sakin ni Lou. “Si ano.. Si Lee Minho!” “Sino? Yung actor o yung s SKZ?” -Belle. “Sa personal! Sino?” “S-si Kris... Yung bagong graduate,” sagot ko na lang para tumahimik sya. “Eh diba sabi bading daw yun?” Napatingin ako kay Belle. Si Kris Wurtzbach? Yung prinsipe ko? Bading? Baka joke?! “Eh yung nandito lang sa paligid? Dito sa campus?” “Wala!” “Kahit nakukyutan man lang? Sa Phoenix? Sino nagagwapuhan mo?” “Si Niel...” “Hindi yung kapatid mo, ano ba? Saka di gwapo gorillang yun! Ew...” bumusangot si Lou. Ang laki talaga ng inis nya sa kapatid ko. “Wala ka man lang bang nagagwapuhan o nakukyutan rito?” Napa-huh ako kay Belle. Bakit ang interesado nila?! “Wala ka man lang bang nakita na nakakaakit yung smile?!” tanong naman ni Lou tapos ngumiti pa sakin. “PUTIK...” naibulalas ko nang biglang pumasok sa isip ko yung ngiti nung isa sa mga kausap ni Godel kanina. Bakit ko ba naisip yun?! ((to be continued...))
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD