5 days later MADDY POV. "Mag-iingat ka dito anak. Huwag na huwag mong pababayaan ang sarili mo rito. Palagi kang tatawag sa amin ha," bilin sa akin ni mama. "Opo ma, mag-iingat din po kayo," malungkot na sabi ko. "Kayo din po papa," tipid na ngumiti si papa sa akin kahit papaano ay itinuring ko na siyang tunay na ama at ganoon din siya ay itinuring din niya kong tunay na anak. Wala akong masabi kay papa dahil napakabuti ni papa sa amin at hindi ko makitaan sa kan'ya ang pagsisisi. "Sige na Maddy, aalis na kami at ingatan mo ang sarili mo dito," bilin ni papa. Narito kami sa bus station at hinihintay na lang na mapuno ang itong bus. Hindi naglaon ay umalis na din ito nang mapuno na ang bus. Kumaway ako habang kumakaway din si Tifany sa akin. Nang ako na lang ang mag-isa rito at nakal

