MADDY POV. "Tyler, tama na..." Napahagikhik na lang ako rito nang halikan niya ang aking leeg. Nakikiliti ako. "Tomorrow is our wedding baby," saad niya habang nakasubsob ang mukha niya sa aking leeg. Naamoy ko rin ang amoy fresh mint ng kan'yang hininga na dumampi sa aking balat at nakakadagdag pa sa aking sensasyon ang kan'yang mainit na hininga. Isang pagbuntong hininga ang kumawala sa aking bibig. Napatitig ako sa kan'yang guwapong mukha. "Bukas na ba talaga ang kasal natin Tyler?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Ewan ko kung bakit ganun na lang kabilis. Alam kong nasabi niya na ito dati pero ngayon, nabigla ako sa kan'yang sinabi. Ikakasal na kami bukas ni Tyler. "Yup, ayaw mo bang makasal sa akin?" Piningot ko ang kan'yang ilong. "Gusto noh," at bigla akong natawa. "Bibigay b

