MADDY POV. Hiyang-hiya ako sa aking sarili nang sabihin ni Tyler iyon sa akin parang ayaw ko na siyang kausapin pa. Hindi na umimik pa si Tyler matapos niyang sabihin iyon. Tahimik na umalis ako rito sa kan'yang kuwarto upang hindi na siya maabala pa. "Nagbago na ang isip ko Maddy. Hindi ko magagawang tanggapin ka." Paulit ulit na lang pumapasok sa aking isipan ang mga salitang sinabi ni Tyler sa akin lalo na't hindi siya interesado sa akin. Anong nangyari kay Tyler at nagbago ang isip niya? Tulala ako habang patungo sa unang palapag ng bahay. Nadatnan ko na lang si Leigh na abala siya sa pagtitipa ng kan'yang cp. Nang makaramdam siyang narito ako ay agad na napalingon siya sa akin. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita niya ko. Pinilit kong ngumiti upang ipakita sa kan'ya n

