TYLER POV. "Hindi ka ba nakakaintidi Maddy? Gusto mo pa talagang makarinig ng masasakit na salita bago ka umalis rito sa silid?" Nalukot lalo ang mukha niya pagkasabi ko. Parang may mga nangingilid na mga luha sa mga mata nito nang titigan ko ito. Umiwas ito ng tingin. "Sorry, gusto ko lang naman makatulong sayo kaya ako narito. Tutulungan naman kita Tyler kung susunod ka lang sa mga payo namin. Makakalakad ka pa sabi ni uncle Drake ngunit ikaw lang ang may ayaw. Please, hayaan mo lang akong gawin ko ito sayo. Lagi lang ako narito sayo para ibigay ang nais mo. Tutulungan kita Tyler basta magtiwala ka lang sa sarili mo. Alam kong magagawa mo ito kung magtutulungan tayong dalawa." "Hindi mo magagawa ang nais ko kung may hihilingin ako Maddy. Hindi lang ito ang problema ko kaya huwag mong

