Magdidilim na noong nagising si Troy dahil sa katok ng pintuan. Kaya dahan-dahan itong bumangon at bumaba ng kama at upang pagbuksan ang kumakatok mula sa pintuan. Sa kaniyang pagbukas ay nabungaran nito si Edward. "Kumusta ang asawa mo? Nagsusuka at nahihilo pa rin ba?" tanong nito sa nakababatang kapatid. "Medyo okay naman na siya pero mahimbing pa rin ang tulog n'ya," sagot nito. "Pabayaan mo na muna siyang makapagpahinga. Mabuti pa sabayan mo na kaming kumain," aya nito kay Troy. "Sige, kuya. Susunod na ako," saad naman ni Troy. Agad namang bumalik si Edward sa hapagkainan. At si Troy naman ay nagbihis ng kasuotan. Matapos niyang magbihis ay agad muli nitong pinagmasdan ang mukha ng asawang mahimbing na natutulog. Pagkatapos ay napunta ang kaniyang tingin sa tiyan ng kaniyang

