NANG binuhat ni Troy ng pa bridal style ang asawa nito ay napayakap na rin si Andrea sa kanya. Dahil nakakaramdam na ito ng panginginig ng katawan. Agad namang naglakad si Troy ng mabilisan patungo sa bahay nila. Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay pina upo siya agad ni Troy sa upuan at nagpainit ito ng tubig sa takure. Nang kumulo na ang tubig n'yang nilagay sa takure ay kinuha n'ya ito agad at isinalin nya sa timba na nasa loob banyo. Pagkatapos no'n ay nilapitan nya ang kanyang asawa at binuhat muli ito ng pa bridal style at ipinasok sa loob ng banyo. Nang nasa loob na silang dalawa ng banyo ay nnagtaka si Andrea kasi hindi umaalis ang asawa nito sa kanyang tabi kaya napatingin kay Troy ng kunot-noo at sinabing, "Okay lang ako. "Please leave me alone, kaya ko ang asarili ko," wika

